Yow Guyssssss!!! Pacensya na at natagalan ako. Sabi ko 3 days tapos naging 3 weeks. XD Sorry talaga. Short update po yung sunod pero sana po basahin niyo pa rin. Hehe. Guys, kung may time po kayo, pwede po ba humingi ng feedback?
Gusto ko lang po malaman kung itutuloy ko pa po yung story na to. Hehe. Yun lang po. :DD
Dediacted sayooooo!!! Salamat sa votes mo! :D Keep supporting!
Ladies and Gentlemen! Chapter 13. Hahahaha! XD
-----------------------------
Chapter 13
Ethan’s POV
2:00 am
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Alas dos na ng madaling araw at gising na gising pa rin ako. Sanay na rin siguro ako. Ilang lingo na rin ako palaging ganito. Hindi makatulog sa gabi at palaging tulala. Sabi nga nila, para akong bampira. Gising sa gabi, tulog sa umaga. Ang laki daw ng pinagbago ko. Namayat daw ako tapos ang putla ko na daw. Pansin ko naman yun.
Simula nung araw na yun, hindi na ako masyadong kumakain. Tahimik lang ako, malayo ang tingin at parang may sariling mundo. Hindi na rin ako nakikipag-usap sa iba. Palagi akong wala sa sarili ko. Napabayaan ko na ang pag-aaral ko. Pansin yun ng lahat. Mababa na ang mga grades ko. Pati nga ang sarili ko, napabayaan ko na rin.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang kalungkutan na to. Hindi ko maintindihan kung bakit ulit ako nagkakaganito.
Oo, Ulit.
Naranasan ko na to dati. Ang mawalan ng pakialam sa mundo at magpakalunod sa na lang sa kalungkutan. Una ko tong naranasan nang nawala si Cindy.
(a/n: Cindy Reyes po ang girlfriend ni Ethan na namatay.)
Sinisi ko ang sarili ko. Noong mga panahon na yon, wala akong ginagawa kundi magkulong lang sa kwarto ko. Sobrang nag-alala ang family ko non kaya kumuha sila ng isang doctor para magamot ang depression na nararamdaman ko. Fortunately, it works.
Unti unti akong nakalimot sa bangungot ng nakaraan ko. Unti unting natututong magtiwala ulit sa sarili. Pero minsan, kahit anong limot ang gawin ko, hindi ko pa rin maiwasan ang mangulila sa kanya. Lumipas ang ilang taon at masasabi ko na masaya na rin ako sa buhay ko. Pero hindi katulad ng buhay pa si Cindy. Masaya ako pero hindi ko yun maipakita sa mga tao. I always wear a cold face. I seldom smile. Kasing lamig ko daw noon ang yelo.
![](https://img.wattpad.com/cover/2083998-288-k67620.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love This Kontrabida Girl (under editing process)
Novela JuvenilIsang Kontrabida Girl at isang Good Boy nagkatuluyan???!!!! How is that possible? Do Negative charges really attract? ---- First ever storyyy! please support po. TENK YOUU!!!!!!