Chapter 20- I Do

289 12 9
                                        

Guysssss!!! Eto na! Whahaha! Sorry for the wait. :D

Dedicated sayooo! Whahaha! :**

----------------------------------------------

(December 14)

Iris’ POV

Birthday ngayon ni Daniel. Nandito ako ngayon sa mall para maghanap ng ireregalo ko sa kanya. Magkikita daw kasi mamaya e. Ang hirap alamin kung ano yung wala siya. What do I expect? Mayaman sila kaya lahat ng gustuhin niya, nakukuha niya.

Habang nag-iikot ako, nakasalubong ko si Dara. Naghahanap din siguro siya ng ibibigay kay Daniel mamaya. Alam ko namang ayaw sakin ni Dara kaya yumuko na lang ako at umiwas na lang sa kanya.

“Sandali lang Iris.”

Tiningnan ko naman siya. Her eyes were different. Walang galit. Walang inis. Hindi ko maintindihan.

“B-bakit?”

“Be happy.”

“Ha? T-teka? Para saan?”

“May mga bagay talaga sa mundo na hindi mo maiintindihan sa una pero pagdating ng tamang oras, malalaman mo din.”

Nilagpasan niya ako kaya sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko siya maintindihan.

Hindi ko maiwasang hindi magtaka. Bigla na lang siyang bumait sakin tapos ngayon kinausap niya pa ako. Siguro nga tama siya. Pero, kailan pa ang tamang oras?

Dara’s POV

I just cannot believe that I managed to say that words to Iris. Alam kong hindi niya maiintindihan yun sa ngayon pero ayoko nang sayangin ang pagkakataon. Ayoko ng maging selfish. Ayoko na. Kahit masakit, gagawin ko. Papalayain ko na siya dahil alam kong yon ang tama.

It is past 12 o’clock. Nagpasundo na ako kay manong at umuwi na.

Pagpasok ko ng bahay, nakita ko agad ang mommy ko. Ano na naman ba ang kailangan niya?

“Anong ginagawa mo dito?”

“Is that how you welcome your mom?”

“Tss. Kailangan pa ba yun? Bakit ba nandito ka?”-ako

“Masama bang kamustahin ang anak ko?”

I smirked.

“Wow! Kala ko nakalimutan mo nang anak mo ko. It is good to know na tanda mo pa pala.”

Umakyat na ako ng kwarto ko at nilock ang pinto. Napa-upo ako sahig at bigla na lang nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.

Para akong batang umiiyak dahil iniwanan siya ng nanay niya sa school. Kung pwede ko lang ibalik yung dati. Yung dating kami ni mommy. Kung pwede lang sana na yakapin ko siya kapag pagod na siya sa kakatingin sa documents ng company, gagawin ko. Pero hindi ko kaya. Masyado na kaming malayo sa isa’t-isa. Gusto ko lang naman maramdaman ulit yung mga yakap at halik niya sakin nung bata pa ako. Gusto lang naman maramdaman ulit yung pagmamahal ng isang ina. Pero bakit ba ayaw akong pagbigyan ng pagkakataon? Talaga bang hindi deserve ng isang katulad ko ang mahalin ng iba?

Mommy Lani’s POV

I watched my daughter go upstairs upon saying the words that broke my heart. Wala akong nagawa kundi umupo na lang sa sofa at umiyak. Ang sakit para sa isang ina na marinig yun sa anak niya.

“Lani, tama na. Wag ka nang umiyak. Hindi pa huli para ayusin ang lahat sa pagitan niyo ni Dara.”-Yayay

Tinabihan naman ako ni yayay.

I Love This Kontrabida Girl (under editing process)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon