Chapter 9 - Captions and Confessions

3.6K 142 29
                                    

---Christine---

"Hi Girls! Hehe" kalmot ulo kong bati sa dalawa.

Tagumpay na sana eh! Kung sinuot ko lang talaga yung fake na taba eh di sana tagumpay na.


Pero kasi mainit eh.


Hayaan mo na nga! Nangyari na eh.


"Hoy! Christine! Nasan yung driver namin?" tanong ni Bianca habang pinapasok yung dala nilang gamit sa loob ng kotse.


"Pinag day off ko. Don't worry,binigyan ko ng sweldo yun . " Sagot ko habang tinutulungan ko sya sa ibang gamit.


"Tin,gusto mo bang magalit ako ulit sayo?" sabi ni Rhian habang nakataas ang kilay nya.


Ang cute nya magtaray.


"Ako yung pumilit kay Kuya na maging driver nyo muna kahit ngayon araw lang. Sige na,gusto ko lang bumawi sayo please?"pakiusap ko sa kanya .

Ginamitan ko na din ng puppy eyes saka konting iyak, para pumayag!


Para-paraan lang din yan noh! hahahaha ;)


"Walang surpe-supresa?" tanong naman nya sakin.


"Wala pa."


"Wala pa?"

"Sabi ko, wala. Tara na baka late na kayo,pasok na po kayo sa loob ng sasakyan mahal na prinsesa." sabi ko at pinagbuksan ko sya ng pintuan at nagbow pa ko sa harap nya bago ko sya inaalayan sa pagpasok sa loob.

Dami kong alam noh? Okay lang yan, Maraming talaga akong pakulo.



Mapasaya lang si Rhian.


+++


---Rhian---

"Yoyon! Pasok na ko sa shop ha? IKAW, CHRISTINE! Ingatan mo yang Bestfriend ko ah! Pag may nangyari dyan nako. Hindi mo na makikita ang bukas! At ikaw naman babae,magtext ka kapag may ginawang kalokohan tong driver mo ah? " sermon ni Bianca sa aming dalawa.


"Bianca, wala akong gagawin na kalokohan dito kay Coco Bear. Isa pa, baka sya pa nga gumawa ng kalokohan sakin eh!" sagot naman ni Christine.


"Hoy Christine! Ang kapal ng mukha mo!" sabi ko sa kanya habang pinaghahampas ko sya sa braso nya.


Aba! Etong Kurimaw na to! Sa Ganda kong to?


SA. GANDA. KONG. ITO?!


Baka sya yun!


Feeler masyado!



"Aray! Hahaha joke lang ! Eto naman, hindi mabiro. Ako nang bahala sa kanya,hinding hindi ko sya ipapahamak,okay? So chill lang Bianca. Una na kami ah?"

My Amnesia Girl (Rastro) REVISED AND COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon