A/N: Patugtugin nyo yung Invisible Man ng 98 degress para masaya
---Christine---
"Okay Christine! Act like your going to kiss her! Great! That's it! " sigaw ni BJ samin ni Rhian, nasa studio nya kami dito sa BGC for Mega Magazine.
Isang linggo na rin akong nandito after ng shooting sa Singapore.
Sa loob ng isang linggo, nakausap ko na si Rhian, okay na kami. HANGGANG PAG PAPANGGAP NA LANG KAMI.
Umamin na rin sya sakin na hanggang ngayon, si Glaiza parin ang laman ng puso nya.
"Okay! 30 minutes break,Christine can i talk to you?" sabi ni BJ
"May kasama kayo ng girlfriend mo sa photoshoot, sila Glaiza and Katarina Rodriguez."
"Ah, okay lang naman. Sige lang , no problem." sagot ko.
"Nga pala, pakisabi sa girlfriend mo wag syang masyadong mailang sayo, sigurado ka bang syota mo yun? Ni hindi nga makatingin ng sobrang intense sa'yo eh.hahahaha"comment nya
Hindi ko naman girlfriend si Rhian eh, kasi hindi naman KAMI.
"Nandito na pala si Katja saka si Glaiza eh! Sabay ba kayong pumunta dito?" tanong nito sa dalawa. Napatingin ako kay Rhian na ngayon ay nakaupo sa isang sulok.
"Hindi,Sabay lang kami pumasok sa studio mo. Akala ko ba si Miranda na naman yung kapartner ko?" nonchalant na tanong ni Glaiza.
Aba! Si gago namili pa ng partner!
"May prior commitment daw sya for today, hayaan mo yun, pumunta na kayo sa dressing rooms na nandun ,para makapagstart na tayo."
Feeling ko hindi lang isa ang magseselos dito, wahahahahaha
Talaga! kasi tatlo kayong magseselos-an. Si Rhian,Si Glaiza saka ikaw.
Alam mo konsensya, napakawala kwentang bagay mo talaga.
Aww, natouch ka ba? You're welcome!
Wag nyo nang pansinin yang mga konsensya na yan... Mga papansin -.-"
+++
---Rhian---
Alam mo yung feeling na nakita mo na ulit yung mahal mo na MIA ,Hindi Manila International Airport mga Ateng! Baka kung yan yung naiisip nyo eh! Missing In Action ang ibig kong sabihin.
Maganda na yung siguradong alam nyo yung meaning hane?
Anyways,Highways,Flyways, Basta may WAYS! Mami-miss ko na sana si Glaiza eh,kaso may kasama pang isang malandi! Anong pangalan nung babae? Patty? Patring? Kati? Tadyang?
Tadyang ba? Ah oo! Tadyang daw sabi ni BJ! Bagay pala sa kanya eh,kasi mukha syang tadyang!
Rhian, ang layo ng KATARINA o KATJA SA KATI,PATRING,PATTY at lalong lalo na ang TADYANG Ha? Linis linis din ng tenga pag may time.
Katarina pala name nya tapos Katja yung nickname, Ahhhhhh now i know! parehas din yun noh! At least.. At least ano! KAT din yung simula ng name nya!
"So guys, this is Katja, Katja this is Christine Russell and her girlfriend Rhian Howell." pakilala ni BJ samin.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girl (Rastro) REVISED AND COMPLETED
أدب الهواةSabi sa Census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Maaring nakatabi mo na siya. Pero lumingon ka para tignan yung tr...