---Rhian---
"Mga Kulto, san nyo ba kasi ako dadalhin?! Parang awa nyo na ibaba nyo na ko dito! Bata pa po ako!" pag mamakaawa ko sa kanila.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito sa van kasama 'tong mga kupal na to.
Kumakalam na sikmura ko, hindi naman kasi ako nakakain ng maayos eh, ang konti ba naman ng ginawang breakfast ni Bestie.
Isang pirasong tuyo.
1/4 cup ng sinangag(feeling ko nga hindi yung 1/4 cup eh. Siguro limang kutsarang sinangag lang yung na sinisik para magmukhang 1/4)
Saka itlog na mukhang binawasan pa ni Bestie kanina.
Piste ! -.-"
"Miss, wag na tayong maglokohan dito, 25 years old ka na. So, technically hindi ka na bata." sagot ni Kultong driver.
Aba't nagawa pa akong barahin ! Bastusing bata!
"Alam mo, basag--- Hala?! Ppa-paano mo nalaman age ko?! Taga census ka ba?!"
Napa facepalm na lang si lang si kuyang driver sakin eh!
"Miss, sana hindi dapat ganto ang suot namin kung taga census kami.So, pwede? tumahimik ka na." pataray na sagot ng kulto no. 3 na katabi ko ngayon.
"Hooo! totoo?! Anong kinain mo bago nyo ko kinuha? Toyo na may kamatis at sibuyas? O sibuyas lang talaga kinain mo? Hooo men! Malupet!"
"Oo! Sibuyas lang kinain ko kanina ! Ang pag hindi ka pa tumigil sa kadadada mo hihingahan kita!"
"Wag mo nang ishare yang talent mo dito kasi baka maaksidente pa tayo dito!" sagot ko.
"Kailan pa naging talent yung hingahan ka aber?!"
"Ngayon. Kasi sabi ko." sabi ko with matching tawa
"Hindi ba kayo naiinitan sa mga suot nyo? Sorry ah? Ang HOT SAKA ANG GANDA KO KASI!" sabi ko ulit.
Dinininan ko talaga yung 'Hot ko kasi' para ramdam nila
Totoo naman diba?
" Hindi ka naman namin kikidnapin kung hindi ka bet ng boss namin eh, duh!" nagulat ako dahil sa tatlong kulto na nagsalita.
Meron pa pala sa likod namin! Akala ko lima lang kami dito.
Si Manong driver, yung katabi nya, saka tong si Sibuyas kulto saka si Silent kulto.
Saka syempre.
Yung pinaka maganda sa lahat.
Sino?
Gusto mong malaman?
Hindi nga?
Totoo?
Hindi mo alam kung sino?
Syempre.
AKO MALAMANG!
May nakikita pa ba kayong mas maganda kesa sakin?
Wala diba?
Tama ako?
Rhian, di nila makikita , kasi nagbabasa lang sila so 'wag kang tanga,okay? Labyu!
Aisssshhhh! Quite! Bawal kumontra konsesya! Bad yan!
"Pero mga kulto, alam nyo ba yung konsepto ng pagtatangal ng hood? Try nyong alamin saka iapply ang mga sarili nyo ngayon na." dinadaldal ko sila para di ko maisip na baka nasa simbahan ako sa sobrang tahimik.
"Sige ! Para matahimik ka na." nakakaloka naman tong si Silent kulto!
Yung boses nya nakakatakot.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girl (Rastro) REVISED AND COMPLETED
FanfictionSabi sa Census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Maaring nakatabi mo na siya. Pero lumingon ka para tignan yung tr...