Chapter 8- Corny Breakfast

3.5K 143 16
                                    

---Rhian---

"Love, gising na. Tanghali na."

"Love."

"Hmmm"

"Lablab! Gising na po. Pinagluto na kita ng breakfast." sabi nya habang hinahaplos ang aking ulo.

"Hmmm Five minutes pa Lablab,please?"

"So-sorry." sabi ni labla--

Teka, hindi 'to si lablab!

Imposibleng magpalit ng pangbango yun.

Saka isa pa,

IMPOSIBLENG MAKAPASOK YUN DITO !

"Sino ba tong--- Oh, Hi Christine! Good morning."sabi ko habang humihikab

Oh my gosh si Christine!

"A-a--anong ginagawa mo dito?! Kanina ka pa ba dito?! Nakita mo ba kong nagssleep talk?! Narinig mo kong humilik? Nakita mo kong--" Taranta kong sabi.

Kaloka naman kasi tong babaitang 'to.

Ang agang tumambay dito.

Saka hindi pa kami bati neto noh!

"Oo, narinig kitang mag sleep talk, humilik and don't worry hindi tumulo laway mo habang tulog ka. Like duh! Ilang beses na kitang nakikitang tulog! hahahaha"tatawa-tawa nyang sabi.

Eh kung hampasin ko kaya to ng unan?

"Aww! Aray ha! Hahahahaha! But still, it doesn't change the fact na hanggang sa pagtulog maganda ka padin." sincere na sabi nya sabay kurot sa ilong ko.

"Ang aga aga bumabanat ka! Alis nga dyan maliligo na ko!"

"Pero namula ka. Ayiiee! Pero seryoso, maganda ka talaga kahit tulog ka. No joke."

"Alam ko, kasi MAGANDA TALAGA AKO." proud kong sabi.

Syempre! Pag maraming nagsasabi sayo maganda ka, pang artista ang fezlak mo. DAPAT "PROUD TO BE ME" Peg mo noh!

Love yourself,Mga Mamshie!

"Nilalamig na ko. Masyadong mahangin dito." sabi nya habang kunwari nilalamig

"Ah ganun? So, maganda lang ako pag tulog? Sige,magiging si Sleeping beauty na lang ako.Ay, ako pala yun! Ahahaha"

"Hindi mo naman kailangan na maging si sleeping beauty eh. Hindi mo kailangang maging isa sa mga Disney princesses kasi ikaw yung prinsesa ko." Sabi nya.

Yiieee!Kunwari hindi ako kinikilig!

"Sige na po Aurora maligo ka na. Bababa na ako." dagdag nya

Hindi naman tambay yan dito eh,Lalo na't gantong maaga. Wait, 10 am na.

HUMAYGASS!

HUMAYGASS!

HUMAYGASS!

AS IN HUMAYGASS TALAGA!

WAAAA!

LATE NA KOOOOOOOOOO!

Kasi si Bianca eh!

Makaligo na nga!

++++

---Christine---

"Biancs,ako na dyan!"

My Amnesia Girl (Rastro) REVISED AND COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon