---Glaiza---
"Glai, para kay Miranda yang dala mo?" tanong sakin ni Benjamin.
Nandito ako ngayon sa condo ko.
It's been a month.
Isang buwan na ang nakalipas simula nung nakita ako ni Rhian sa bar na kahalikan si Miranda.
Nag pa miss lang ako kay Rhian. De joke lang, kaya ako hindi nagpakita sa kanya ng isang buwan kasi gusto kong ayusin sarili ko.
What?! Ayusin ang sarili mo? NANAMAN?! 3 years ago, sabi mo, Aayusin mo sarili mo. Tapos ngayon aayusin mo nanaman ulit? So ano ba talagang sira mo?
Basta feeling ko hindi ko pa sya deserve. Babalikan ko sya ngayon kasi ready na ko. Super ready na talaga ako.
Babalikan? Anong tingin mo kay Rhian?! Left over na pagkain?! Na babalikan mo lang kapag gusto mo nang kunin mula sa ref. Aba! Matinde!
Yung mga gan'tong klase ng panira ng kadramahan katulad nitong si Konsensya,hindi na to pinapatulan eh.
Nagkakasama kami ni Miranda sa condo minsan lalo na kapag you know, something hot feeling strikes in my body!
Minsan naman sa photoshoot.
"Nope, para kay Rhian 'to, babawiin ko na talaga sya, hindi na talaga ako manchi-chicks. Hindi na din ako magpapatukso. Promise." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Okay." emotionless nyang sagot.
I guess hindi sya naniniwala sa sagot ko.
Hindi talaga sya naniniwala sayo, at WALANG NANINIWALA SAYO!
Nice one,Konsensya.
"Alis na ko Glai, bahala ka na dyan sa buhay mo. Sana magawa mo na yang PROMISE mo this time. Hindi na kita ihahatid,malaki ka na eh. Utak mo lang talaga ang hindi nag mamature. Gesige bye!" paalam sakin ni Ben bago sya tuluyang umalis sa bahay.
Ganyan naman sila eh, simula nung naging kasama ko si Miranda wala na akong squad. Minsan minsan si Ben at Ketchup na lang kausap ko.
Well, pahirapan nga yang dalawa na yang iapproach eh.ganun din sila Chynna, Angelica, Cholo. Galit sila sakin.
Kasalanan ko bang lapitin ako ng chicks?
Masama naman kung hindi ko sila ie- entertain diba?
Let me check...
TimTams. - Check!
Myself- Check!
Excuse in case na magtanong sya kung bakit ngayon lang ako nagpakita- Check!
Ready na ko Lablab! Eto na talaga yung tamang panahon para bawiin ka!
----Rhian---
From Coco Bear:
Hi Hon, Good Morning! Sorry pero hindi tuloy yung surprise visit natin sa Child Haus. I have a flight papuntang Singapore this afternoon and unfortunately , i'll be staying there for a week for the shooting for the upcoming show. Isa ako sa mga guest judges nila don. Nakalimutan kong sabihin sayo kahapon kasi pagod tayo galing EK diba? So yeah, see you after a week. I miss you already, babawi ako sayo pag uwi ko i promise! I love you!
BINABASA MO ANG
My Amnesia Girl (Rastro) REVISED AND COMPLETED
FanfictionSabi sa Census, may 11 milyon na tao sa Metro Manila Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Maaring nakatabi mo na siya. Pero lumingon ka para tignan yung tr...