Al's POV
Si Ayeni nga!
Nang makasigurado akong si Ayeni, dali dali akong bumaba para puntahan siya.
Binilisan ko ang lakad, kasi para bang pagod na pagod na siya, na naglalakad sa sidewalk. Baka ano pang mangyari sa kanya.
Nang malapit na ako.
"Uy! AYENI!" sigaw ko.
Lumingon naman siya na mukhang gulat na gulat.
"Oh, Al?!! Ba't ka--- ah nevermind" Ayeni. Na para bang nagdadalawang isip pa sa sasabihin niya.
"Oh!" ako.
At muntikan pang matumba!
"Oh, okay ka lang?" sabi ko sa kanya sabay hawak sa dalawang braso niya.
"Ah, okay lang." sagot niya sakin sabay takip ng ilong niya.
Wait, what?
Pumiglas siya sa pagkakahawak , tsaka nagsalita--
"Ba't ka andito? Kala ko ba 9:30 ang usapan?" tanong niya habang hingal na hingal pa.
"Ako? Ba't andito? Kung makapagsalita ka dyan ng 9:30 ang usapan eh, ikaw nga andito, naglalakad? Hahahah, I mean for real?" tanong ko tsaka tumawa.
"Wait, tumawa ka ba? " tanong niya sa akin na may halong pang aasar sa tono.
Ako? Tumawa?
"Hindi ah" sagot ko.
"Ayyiiieehh" pang aasar niya.
"Hindi nga, nga pala ba't ka naglalakad?" seryoso kong tanong sa kanya para tumigil na siya sa pang aasar.
"Ah, traffic kasi, kaya ayun nag lakad na lang ako" sagot niya.
"Ako, dahil sa traffic din kaya maglalakad na lang ako." sabi ko. Tsaka ako nagsimulang maglakad ng naka pamulsa.
Nang makalayo na kami.
Wait, hindi kami, ako lang pala, nasaan siya?
Lumingon ako sa likod at---
"Syet!" napamura ako nang makita kong nakahiga na sa semento si Ayeni.
Tumakbo ako pabalik sa kinaroroonan ni Ayeni.
Syet!
Anong gagawin ko?
Tatawag na ba ako ng Ambyulansya?!
O tatawagan nanay niya?!
Ughhh!!! Da fak! Ano ba dapat kong gawin?!
Tsk. Buhatin ko na lang kaya?!
Ay, bahala na! Kawawa naman kung iiwan ko tong pangit na to dito, baka maging mas pangit pa.
Dali dali kong sinuot ang bag ni Ayeni, tsaka siya binuhat.
"D-da Fa-k, a-ang b-biga-at p-pala n-nit-tong p-pangit n-na t-to." bulong ko sa sarili ko habang buhat buhat ang pangit.
Bakit pa ba kasi ako bumaba ng jeep, bakit pa ba kasi ako sumilip sa labas ng jeep, bakit pa ba kasi nag traffic, bakit pa ba kasi kailangan samahan yung Nerd boy na yun, Bakit pa ba kasi may may Contest contest na ganyan?!
nakaka Bwisit. -_-"
Nang makarating na ako sa gate ng University, na buhat buhat pa rin ang pangit.
Dumeretso ako kaagad sa Clinic, tsaka nilapag siya sa Patient's Bed na nasa Right corner ng Clinic pag pasok mo sa entrance.
Pagkalapag ko sa pangit, hinubad ko na rin ang dala dala kong Bag ni Ayeni.
BINABASA MO ANG
The Misfortune of The Denial Prince
RandomAl---A young man that believe his the most miserable person alive. What if, hindi pala? What if, siya pala ang pinaka maswerteng tao? From being poor to discovering he is the Richest?! Marami na bang magbabago? Tulad ng ugali niya, magiging maba...
