Lance's POV
Halos isang oras na akong nakatayo lang dito sa labas, habang naka sandal sa likod ng kotse ko.
Kung alam ko lang kailangan pa ng invitation, kumuha na sana ako.
Syet. Hindi ko mababantayan si Prince kung nakatayo lang ako dito sa labas.
......
Paano ba-----
Inilabas ko kaagad ang phone ko na nasa bulsa ng suit ko.
Tama, si Princess. Sigurado akong magkasama sila nina Prince at mga kaibigan niya ngayon.
Agad kong tineks si Princess.
Miss Valdimore, Come outside of the Mansion, immediately. Meet me outside the gate.
Sent 10:46 pm
Ibinalik ko na sa bulsa ko ang phone.
Sigurado naman akong susundin ni Princess ang utos ko, kung hindi mal---
*Notification Sound*
Agad kong binuksan ang message.
From: Princess
Okay, okay. Wait.
Received 10:47 pm
Ang bilis naman niyang mag reply. Sa bagay, kinakailangan ko na talagang makapasok sa loob, upang mabantayan ko nang maigi si Prince.
Lumakad na ako papuntang gate para maghintay.
Al's POV
Pagkatapos kong magpaalam kay Mama, ay agad kong sinundan si Mr. Yutchzberg, na unang sinundan si Pangit.
Mukhang may problema si Aye--- ay este si Pangit. Bigla kasi siyang tumayo at naglakad papalayo, pagkatapos niyang tignan ang phone niya.
Wait- nagiging concern ba ako?. Ok, concern kasi magkaibigan kami.
Tsk. Ano ba yan, sobrang dami naman ng mga bisita. Nakaka bwisit.
"Excuse me" habang dumadaan sa gitna ng mga bisita.
Huh?. Biglang nawala si Mr.Yutchzberg?.
Eh, kanina lang nakasunod pa siya sa Pangit.
Saan na ba yung pangi----
"Aye--!!"
Tatawagin ko sana yung Pangit ng biglang-
"Ouch....---!" Si crush.
Syet. Sa dami dami ng pwede kong mabangga, si crush pa talaga.
"Sorry." Agad kong sabi.
Tsaka ako dali daling umalis, para sundan ang Pangit. Naiwan lang siyang nakatayo at nakatingin sa kin.
Da fak??!
Ba't ako umalis agad?
Tsk.
Ipinagpatuloy ko ang pag sunod ko sa pangit, na mukhang papuntang bakuran.
Pagkalabas at pagkalabas ko sa bahay ng madaldal, bigla akong sinalubong ng Nerd.
" Oh , Al, San ka pupunta?, eh andoon sa loob ang party." Habang nakangiti.
'Malamang'.
'Di ba pwedeng lumabas?
"Ahh, magpapahangin lang sana" sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Misfortune of The Denial Prince
RandomAl---A young man that believe his the most miserable person alive. What if, hindi pala? What if, siya pala ang pinaka maswerteng tao? From being poor to discovering he is the Richest?! Marami na bang magbabago? Tulad ng ugali niya, magiging maba...
