Chapter 14: A Deal For Treats Through Tricks

16 2 0
                                    

Al's POV

"Oh, ngayon?! Sabihin mo sa AKIN , bakit mo hindi sinauli kaagad ang phone ko?!" sigaw kong tanong sa tsismosang pakealamera kong kapatid.

Habang kumakain na kaming tatlo sa kusina.

Bwisit. -_-"

"Kasi nga kuya, nakatulog kana. Ayaw na kitang gisingin pa." pag e explain ng kapatid ko.

Yun lang?!

Tumayo ako tsaka--

"Pwede mo namang ilagay na lang sa tabi ko diba?! Tutal! Sumilip kana bakit hindi mo pa-----" tumigil ako sa pag sesermon sa kapatid ko nang sumingit si Mama.

"Anak, pag pasensyahan mo na ang kapatid mo. Wag mo na siyang pagalitan." mahinahong pigil sa akin ni Mama tsaka ako umupo na na ka crossed ang arms.

Protective masyado?! Di ko na ba pwedeng pagalitan tong kapatid ko sa pagiging pakealamera niya?!

Da ef.

Bago ako umupo tinanong ko muna ang kapatid ko na----

"So, saan mo na pulot yang Iphone na yan?" tanong ko na inis na inis na.

"Sa pintuan lang nga Kuya." tipid niyang sagot, habang hawak hawak pa rin ang Phone na napulot niya lang.

"Niloloko mo ba ako?!" tanong ko.

Syempre, may napabalita na bang 'Isang tao, nakapulot ng mamahaling Phone sa harap ng pintuan nila'. I mean, Seriously?

"Anak, maniwala ka na lang kasi sa kapatid mo. Alam mo namang hindi to mahilig magsinungaling" si Mama ang sumagot, sabay himas sa ulo ng Pakealamera kong kapatid. At ngumiti naman ang tsismosa, bwisit, ang saya niya ha.

Bwisit. -_-"

"Tsk." makaupo na lang nga.

Pag kaupo ko, kumain na ako ng mabilis para maka pagpahinga na at makatulog na sa kama, at may klase pa ako bukas.

Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako kaagad at dumeretso sa kwarto.

Bwisit. =_="



Stacey's POV

Salamat naman at pinigilan ni Mama si kuya, akala ko talaga kakain na ako ni Kuya sa sobrang laki ng bunganga niya pag nag sesermon.

Parang ang hirap naman ng pinapagawa ng taong nagbigay ng Phone na to.

-----Flashback 5:30 pm 2 hours ago----

"Walang hiya yung magnanakaw na yun ha!. " sigaw ni Mama habang pinupulot ang mga gri no seri namin kanina, na nahulog sa kakasampal ni Mama ng Bag ng Groceries sa Magnanakaw na sinasabi ni Mama.

"Ma, pasok na tayo. Pabayaan niyo na yun!" sigaw ko kay Mama habang papalakad papasok sa Bahay, dala dala ang ibang groceries na pinamili namin.

Sweldo day kasi ni Mama ngayon, so grocery grocery,hehe.

"Sige nak, mauna kana." sabi ni Mama. Kaya nauna na ako sa loob.

Pag pasok ko bigla akong tumigik sa harapan ng door----
"Kuya!? " gulat na pag whisper ko sa sarili ko. Nang makita ko si Kuyang na tutulog sa Sofa.

O my god! Andito na pala si Kuya! Patay na talaga ako nito. I'm dead. Huhuhuhu. T_T

Inilapag ko muna sa floor ang mga Grocery bags.

The Misfortune of The Denial PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon