Potion 1

364 14 0
                                    

POTION 1

_-_ Trae's POV_-_

"Zzzzzziiiiiieeeeeelllllll !!!!!!!!!, waaaaaaaaaaahhhhhhhhh !!!!!!!!" agang-aga nandito na naman ako sa bahay ng bestfriend ko.

"Trae naman ang aga-aga nambubulabog ka na agad. Inaantooooook pa ako, pwede ba mamaya na yan." ayaw niyang nasisira ang rest day niya every weekend. Early bird naman yan tuwing weekdays kaya pinagbibigyan na. Pero hindi pwede ngayon, kailangan ko siya.

"Best naman ...... maawa ka na sa akin ! Hindi na ito makapag-iintay ng mamaya pa. Masakit na masakit na!!!! kailangan ko na ng mahihingahan." nagdadrama na ako para pansinin niya pero nagtakip lang siya ng unan.

"Alam ko na. Iyong boyfriend mo na namang babaero no? Pwede ba i-break mo na iyan. Sa araw-araw nang ginawa ng Diyos nandito ka na naman. Para ano, para sabihin ang kalokohan ng boyfriend mo. Iyan na ata ang almusal ko palagi, sawang-sawa na ako." lumingon din naman siya at simulan na naman ang pagle-lecture sa akin

.

"Best, alam mo namang labs na labs ko si JD. Ang tagal kong pinapangarap na maging boyfriend siya tapos ngayon pakakawalan ko lang. Ang dami-daming babaeng nakapaligid sa kanya, maswerte na ako at ako ang official girlfriend niya. Mga Fling lang sila." yan naman ang laging katwiran ko sa kanya.

"Eh di yan ang isaksak mo sa kokote mo na kapag nakikita mong may kasamang babae ang boyfriend mo, *Uy fling lang yan ako ang Gf. Tapos hindi ka na lagi iiyak at pupunta dito. Tapos ang problema. Everybody happy=) * lecture number 2 eto

.

"Eh! ganoon na nga ang ginagawa ko. Nagpapakamanhid na ako pero ang sakit-sakit pa ring ginagawa niya iyon. Hanggat maaari kakayanin ko." syempre sasagutin ko siya with feelings.

Ang martir mo teh pwede ka nang maging banal. Saint Jane Traezy Joy Suarez , o diba ba bagay Best ?." ayan nga pala ang name ko, wala iyong saint. Naunahan niya pa akong magpakilala kaya ako naman ang magpapakilala sa kanya. She is Zierabelle Anne Enriquez, my best friend since childhood at love na love ko din siya.

"Hindi nakakatawa. Palagi mo na lang akong inaaway, porket hindi ka pa tinatamaan ng "Magic of Love". Tingnan mo, mapagbabago ko din sya. Nabubulagan pa lang siya ngayon pero marerealize din nyang mahal din nya ako. Meant to be kami diba? Kaya I don't lose hope . Try & Try until you succeed."

"Hay naku naman! Flavor of the week ka lang nyang lalaking na yan. Pero infairness, magtu-two weeks na kayo. Kalimitan naman sa nagiging Gf niyan hindi pa umaabot lang ng one week." lecture number 3.

Kaya nga malakas ang paniniwala kong mapag-babago ko pa siya at magiging kami forever. Para lang siyang si Stephen na napagbago ni Naomi. Kinikilig ako noong nabasa ko ang Break the Cassanova's Heart Operation."

"Nadala ka na naman sa mga pinagbababasa mo, kung anu-ano nang pumapasok sa utak mo. Reality na ito, hindi ito kagaya sa mga nababasa mo sa wattpad."

"O mga iha, kumain muna kayo. Mamaya na ulit kayo magkwentuhan. Mahaba pa ang araw para jan." tawag sa amin ni Tita Ciel.

At doon na nga natapos ang pagdedebate namin ni Ziel. Debate ba? Eh parang ni-lecturan lang niya ako.

"Pasensya na kung hindi na nasabi ni Trae kung bakit siya umiiyak kanina. Ordinaryong nakita niyang may ka-kissing scene ang magaling niyang boyfriend." biglang singit ni Best, kitang nagsasalita pa ako.

Pero that's true. May lumalandi na naman sa bf ko at nagpa-landi naman ang gago. Pero ang mahalaga, sa akin pa rin siya bumabalik. Ang ganda ko kaya more than any one else na nakapaligid sa kanya. Kaya wala siyang magagawa kung hindi bumalik sa dyosa. Hahaha

To be continued...

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

A/N: dinededicate ko po ang chapter na ito kay ate alyloony. The best po talaga ang BTCHO. Can't wait na ma-release na ang book

.

lhady_akira_25 turning darkmagician_girl25

Helen @WattyRoyalties

My Heart beats for LOVE (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon