Potion 14

194 10 3
                                    

POTION 14

(A/N: dedicated kay PhoenixEun. Salamat sa pag-appreciate ng kwento ko. )

_-_Trae's POV_-_

Napakabilis ng panahon. Natapos na ang May at eto June na. Start na ulit ng classes na sa tingin ko ay lalong mas humihirap na pagsubok sa amin ni Charles.

Paano pa kaya namin maitatago ito? (Secret Lover?) Buti nalampasan namin ang 2 hours, everyday in 2 week noong May na walang nakakapansin ng aming true identity. Pwede na siguro kaming maging detective.

Well, naging masaya naman ako tuwing magkasama kami. Madaming food trips ang natutunan ko nang kainin.

Nag-gain na nga ako ng weight, wala na ako sa diet. Puro sa mga stalls na may pagkain niya ako dinadala.

Napaaga ang gising ko dahil sa pag-iisip ng mga bagay na iyan. Namangha na naman si best Ziel dahil maaga akong pumunta sa bahay nila na ones in a blue moon lang nangyayari. Laging siya pa ang nang-gigising sa akin.

Nako-konsensya nga ako kasi hindi na siya updated ngayon sa buhay ko. Busy kasi siya noong summer kaya wala kaming time para pag-usapan ang ganitong mga bagay.

Ayaw ko namang maglihim sa kanya. Hindi niya alam na may nangyayari na palang ganito. Siya lang ang nalalapitan ko sa mga ganitong problema, alam kong hindi niya ako iiwan sa ere kaya kailangan ko na itong masabi sa kanya mamaya baka magalit pa sa akin ang babaing ito

*******

Nasa bungad na kami ng gate ng matanaw ko si Charles na may kasamang cute na babae. (Cute lang ang description ko sa kanya dahil mukha siyang manika at syempre dahil mas maganda ako sa kanya.) Eto na siguro ang Claire na sinasabi niya.

Natanaw na niyang palapit kami kaya kumakaway na siya sa amin. Mukhang confuse ang look ni best, may question mark na siya sa ulo.

Siguro nagtataka ata kung bakit siya kinakawayan ni Charles. Hindi pa nga pala niya ito kilala. Mamaya ko na lang siya ipapakilala kapag lumipat na kami sa kanila.

"Good morning Jane, kumusta na?" bati sa akin ni Charles.

"Syempre always good. Iyan na ba si Claire?" tanong ko sa kanya. At kanina pang may siko ng siko sa aking tabi. Lumapit ako kay Ziel at bumulong ng:

"Oo, wait lang. Mag-hintay ka jan." tumigil na din siya sa pag-siko sa akin.

"Sige, basta pakilala mo ako." tugon naman ni Ziel.

"By the way, I'm Jane Traezy Joy Suarez, Jaydee's girlfriend." pagpapakilala ko sa kanya.

"Nice meeting you, Ako nga pala si Mary Denisse Claire Marquez. So ikaw pala ang girlfriend ni Marc. Let's be friends then." nagniningning ang mata niya, ang cute. Mukha talaga siyang talking doll. Parang si Paige ng The Camp: His Secret Agent Secretary by MsButterfly.

Mali pala ang mga hula kong name niya dati. Hihihi

"Syempre naman, matagal na nga kitang gustong makilala. Let's have some coffee. My treat maaga pa naman eh." sumunod na sila sa akin patungo sa may coffee shop. Interesting kausap si Claire at malakas din ang sense of humor, akala ko nga hindi makabasag pinggan iyon.

You'll never know a person talaga hangga't hindi mo pa nakikilala. Don't judge the book by it's cover.

Nao-OP na nga daw si Charles at Ziel dahil kaming dalawa lang ang magkausap. Ang masama pa, nagseselos na itong bestfriend ko.

Nag-ring na nga ang bell. Hudyat na 10 mins. na lang at start na ang klase.

"Oh, we better go. Baka malate pa tayo." tumayo na ako at inaaya na silang pumasok sa aming respective classrooms.

"Sige, Let's hang out some other time. " nag-wave na si Claire ng hand at nauna ng umalis. Malayo kasi itong coffee shop doon sa CAS (College of Arts and Sciences) department, diba POLSCI siya.

"Mauna na din ako, bye best. Mag-usap tayo mamaya, may utang ka pang tsismis sa akin." nag-paalam na din siya. Sa kabila lang nito ang CTHM (College of Tourism and Hotel Management) syempre aspiring flight stewardess ang peg niya.

"O ano, Let's go. Mamaya ha, 7pm" niyaya na din ako ni Charles. Nasa iisang department lang din kami, sa CEBA (College of Economics, Business and Accountancy). Inihatid niya ako hanggang sa labas ng room namin.

"Sige, una na ako. Don't forget ha. Sa ice cream parlor, bye." sa ice cream parlor pala, akala ko sa Jollibee LOL Kumaway na lang ako at pumasok na sa loob.

Nakatingin sa akin lahat ng mga classmates ko.

(Anong nangyari? May ginawa ba kaming pang-teleserye?)

Dahan-dahan akong pumunta sa upuan ko. After kong umupo, naglapitan na sila sa akin. Artista lang ang peg? May press conference pa.

G1: Sino iyon? Bagong boyfriend mo?

G2: Break na ba kayo ni JD?

G3: Tinu-two time mo ba siya?

"Wait lang. Pwede isa-isa. Iisa kaya ang bibig ko. Hindi ko kayang sagutin yan ng sabay-sabay." talagang kinareer ang pagiging FEELING ARTISTA.

"To clear things up. Hindi ko boyfriend si Charles. Bestfriend siya ni JD at may fiancee na iyon. Inihatid niya lang ako dito dahil nasa iisang department lang kami. Wag nga kayong gumawa ng issue. Tapos balik na kayo sa upuan nyo, parating si Miss Tan." isa-isa nilang nilisan ang upuan ko. Grabe silang mang-torture no. Muntikan na kaming mahuli doon. Woooh!! Nakahinga din.

Dumating na si Miss Tan at sinimulan ng mag-discuss. Discuss agad-agad? Hindi ba pwedeng relax muna. First day naman ng klase eh. Block section kasi kami kaya hindi na daw namin kailangang magpakilala, sila na daw ang bahalang kumilala sa amin throughout the semester.

Break time na namin sa wakas. Buti introduction lang iyon. Natanaw ko na sa labas ng room ang aking boyfriend, si JD. Nakakatuwa at hinihintay niya ako ngayon. Dali-dali na akong lumabas at lumapit naman sa akin si boyfie.

"Saan mo gustong kumain?" nakakataba ng puso na tinatanong niya ako ngayon.

Dati kasi...

Siya na ang nagde-decide kung saan.

"Sa Cafe Mi--." hindi na niya natapos ang sinasabi ko dahil hinila na ako ni bestfriend.

Ano ba naman itong si Ziel, moment na namin, sumingit pa. Bad timing talaga.

"Hoy JD! , sa akin muna itong girlfriend mo. May pag-uusapan pa kami. Mamaya na kayong lunch mag-date." akala nyo kinausap niya si JD 'noh? Isinigaw lang naman niya iyan dahil malayo na kami sa kanya.

(Hinila nga niya ako. Remember?)

Naiwang nakatulala lang doon si JD. Na-shock siguro. Parang batang inagawan ng kendi. Para naman kasing walang manners ang lukaret na ito.

To be continued...

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

A/N: thanks talaga @PhoenixEun, na-inspire akong mag-update dahil sa comment mo.

lhady_akira_25 turning darkmagician_girl25

Helen @WattyRoyalties

My Heart beats for LOVE (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon