POTION 8
_-_Someone's POV_-_
"Tay, nabuhat nyo iyang case? Ang bigat kaya niyan. Baka rayumahin na naman kayo. Sabi kong tawagan nyo na lang ako kapag may kailangang buhatin. Ang kulit nyo naman."
"Wag kang mag-alala anak, kayang-kaya pa yan ng mga muscles ko. Batang-bata pa itong tatay mo. Relax ka lang."
Naku po! Wag kayong nagpapa-paniwala jan. 70 years old na yan pero feeling 20 pa eh halos hilahin na nga ang paa dahil sa rayuma. Sabi ko na ngang wag nang mag-trabaho, mapilit pa rin. Ayaw daw amagin sa bahay. Gusto pa rin daw niyang may ginagawa.
"Pero anak, joke lang iyon. Hindi ako ang nagbuhat niyang case. Tinulungan ako nung mabait na binata. Hindi ko nga lang natanong ang pangalan dahil babalik na daw siya sa parti. Ay sya, dyan ka muna at maglilinis pa ako ng CR."
"Tay!. Magpahinga na kayo. Ako na po ang bahalang maglinis ng banyo."
"Eh! May trabaho ka pa sa loob. Ako nang bahala doon."
"Tay! Break ko pa naman. Mamaya pa ang shift ko. Ako na po ang maglilinis. Uwi na po kayo."
"Sige! Mapilit ka eh! Ako'y uuwi na't maglalabing-labing muna kami ng nanay mo." Naku po, katanda-tanda na. Sampu na nga kaming magkakapatid. May hangarin pa atang maka-isang dosena siya.
"Ingat po kayo." tapos naglakad na siyang palayo.
Kumuha na ako ng mop at mag-sisimula ng maglinis. Inuna ko muna ang Boy's CR. Tapos iyong CR naman ng babae.
Binilisan ko na ang paglilinis at malapit na ang shift ko. Inilagay ko muna sa isang tabi ang mop. Kinuha ko naman ang basahan at nagsimula nang magpunas ng salamin.
Tapos may narinig ako sa isang cubicle nang babaeng may kausap ata sa cellphone.
***
"Yes honey, don't worry. Mahuhulog na din siya sa patibong natin. Mamaya lang, mamatay na siya."
"..." syempre hindi ko narinig iyong nasa kabilang linya.
["Yah, lalagyan ko ng lason ang inumin niya mamaya. Maigaganti na din kita sa ginawa sa'yo ng lalaking iyon." ]
***
Nakakatakot naman ang babaeng iyon. Dali-dali na siyang lumabas ng banyo pagkatapos. Hindi ko nakita ang mukha niya. Basta kulot ang buhok niya tapos purple na dress.
Agad-agad ko ng ibinalik ang mga cleaning materials. Sinundan ko na ang babae at nakita kong papasok sya doon sa party. Buti na lang shift ko ngayon, kailangan kong iligtas ang lalaking iyon bago pa may mangyari doon sa lalaking masama.
(Wow ha! Good Samaritan ang dating ko ngayon.)
Sinusundan ko pa rin iyong babae kaso may nabangga akong babae kaya tinulungan ko siyang tumayo at humingi na din ako ng paumanhin. At dahil doon nawala sa paningin ko iyong babaeng sinusundan ko.
(Naku po, patay na!) mamamatay nga iyon kapag hindi ko nakita.
Inisa-isa ko ang mga table at tinitingnan ko ang palatandaan. "CURLY and in PURPLE dress"
Nahihilo na ako sa paghahanap sa babaeng iyon. Kaya naupo muna ako sa isang bakanteng upuan. Nagpahinga muna ako.
Tapos nahagip ng aking paningin ang napakagandang dalaga. Kasalukuyan siyang nag-iisa.
Yumuko siya na parang may kinukuha sa kanyang bag. Tapos may isinalin siya na kung ano sa isang basong nasa harapan niya.
Mukhang galing iyon sa isang botelya. (Ano iyon, Gamot?)
May lumapit sa kanyang lalaki tapos iniabot niya iyong inumin.
Saka lang nagsink-in sa akin na ang babaeng ito ang sinusundan ko kanina kasi naka purple din siya at kulot na buhok at may inilagay siya doon sa inumin.
Malamang na siya na nga iyon.
Dali-dali na sana akong lalapit sa kanila, kaso may nag-tap sa shoulder ko.
"Uy! Kanina pa kitang hinahanap. Dalian mo na. Hinahanap ka na sa loob." nagdadalawang-isip pa rin ako pero nung nakita kong inaya siya noong lalaking magsayaw. Buti hindi pa niya naiinom iyon.
Kaya binilisan ko nang pumunta doon sa quarters at kumuha ng tray ng drinks. Buti naalala ko kung saan sila nakapwesto.
Agad kong kinuha ang drinks na nasa mesa at itinapon ang laman noon at agad na pinalitan ng bago.
Hay! Ang galing ko talaga. Back to work na.
To be continued...
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
lhady_akira_25 turning darkmagician_girl25
Helen @WattyRoyalties
![](https://img.wattpad.com/cover/6408840-288-k263458.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart beats for LOVE (HIATUS)
Teen Fiction"A POTION story with a twist!!" Nais ni Trae na mapa-ibig ang kanyang cassanova boyfriend kaya gumamit siya ng potion. At dahil sa hindi inaasahang pangyayari, inakala niyang ang bestfriend nitong si Charles ang siyang nakainom nito. Nang dahil sa p...