POTION 9
_-_Trae's POV_-_
"Oh! Dude. Anjan na pala kayo. Pasenya na, nainom ko itong juice mo. Ang tagal kasi ng waiter. Uhaw na uhaw na ako." Patay!! Nainom nga nya. Malaking gulo na ito.
"No problem Dude. Parang hindi tayo nagsha-share sa ganyang mga bagay noong bata pa tayo. Kuha na lang ulit tayo ng bago."
Enjoy na enjoy sila sa pagkukwentuhan at napapansin ko na din na panay ang titig ni Charles sa akin.
(Ano ba Trae, hindi ka ba nag-iisip! Bakit mo ba iniwanan ang drinks na iyon, dapat pinaubos mo muna. Ayan tuloy, hindi maganda ang kinalabasan. Haaayyy!!! MISSION FAILED na ito. Sumasakit na ang ulo ko, hindi na ako makapag-isip ng maayos. Bukas ko na lang pag-iisipan ang dapat kong gawin. Bahala na.)
Kinuha ko ang aking cellphone at hi-nold ang lower part ng volume, tapos ibinalik ko na ulit sa pouch ko. After 5 seconds, my phone rings.
Napalingon sa akin ang magbestfriend. Alam ni JD na ringtone ko iyon kaya lumapit ako at nag-excuse sa kanila.
"Hon, I have to take it." nakatingin sila sa akin habang naglalakad ako palayo. Nagkunwari na lang akong may kausap kasi fake call lang naman ito. After a minute, bumalik na ulit ako sa table namin.
"Hon, I have to go. Tumawag na si mama, pinauuwi na ako."
"Ah! Sure. I'll take you home.",
"Dude, alis muna ako. Hatid ko lang si Trae." thanks sa fake call. Naging effective ang palusot ko.
"Sige, ingat kayo ha! Bye Jane." Tapos nag-smile siya sa akin.
Nag-nod na lang ako at nag-wave ng hand sa kanya at nagpunta kami kay tita Jhade para magpaalam.
Pagkatapos ay inihatid na niya ako sa amin.
Inan-buckle ko na ang seatbeat at pababa na ng kotse ng bigla akong hinila ni JD pabalik. (Oy! Green-minded. May iniisip na kakaiba.)
" Good night. I love you babe." tapos hinalikan niya ako sa lips. (Mga 10 sec. ata un. Basta may first kiss na ako).
"Sweet dreams. Matulog ka na agad ha! Bawal magpuyat." ngumiti siya ng pagkatamis-tamis tapos hi-nug niya ako bago bumaba sa kotse niya.
"Sige, ingat ka." tinanaw ko ang kotse niyang papa-layo.
Nashock ako sa mga pangyayari. Imagination ko lang ba lahat ng nangyari? Hindi pa nga ako pumapasok sa loob.Nakatulala lang ako doon sa labas.
Hindi naman ako nakalimot ng bote o lampara, pero tinupad na agad ng Genie ang three wish ko.
Una, nag-i love you ba naman. Hindi naman niya gawain iyon. Hindi siya nag-ii love you ng harapan, sa cellphone niya lang ginagawa iyon; minsan nga, hindi pa. Hindi man lang ako nakapag- i love you too. Sayang! Ones in a lifetime chance na iyon.
Pangalawa, i-kiss ba naman ako sa lips. Hindi din iyon nanghahalik sa lips. Kahit alam kong playboy iyon eh ayaw na ayaw naman niyang malawayan siya. Kadiri daw iyon. Usually sa cheeks lang iyon humahalik.
At pangatlo, napakasweet niya ngayong hinatid niya ako. Usually kasi pag-baba ko ng kotse ay pahaharurutin na niya ang kotse niya paalis. Rude man pero iyon talaga ang ginagawa niya.
Pero parang kakaiba. (There's something wrong with him but I can't figure out.) Kung nainom niya iyong potion kanina, baka hindi pa ako magtaka.
Pero hindi eh! Si Charles nga ang nakainom na siya ngayong problema ko.
Ano kaya ang nainom nito sa party at parang ang lakas ng tama niya.
Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Tulog na sina mama kaya hindi na ako nag-abalang gisingin pa siya. Alam niyang safe akong iuuwi ni JD kaya panatag iyong matulog.
Ibinagsak ko ang aking katawan pahiga sa kama. (Hay!! May pa-sweetdreams sweetdreams pa siyang nalalaman, Wag kang magpupuyat ha. Eh sa ginagawa niyang ito, lalo akong hindi makakatulog.) Hinubad ko na ang sapatos ko at pumunta sa CR para maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog.
Bumalik na ako sa bed pero paghiga ko, ang mukha ni Charles ang nakikita ko. Nakakamesmerize talaga ang mukha niya. Naalala ko na din na siya ang nakainom ng gayumang ginawa ko.
Bakit parang nakalimutan ko na ang nangyari sa amin ni JD kanina. (Oy! Green minded ulit.) Parang saglit lang ang kilig tapos nawala na. Hindi pala iyon long-lasting (Ano iyon, gamot?) Ano ba itong nangyayari sa akin, itutulog ko na lang ito.
To be continued...
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
lhady_akira_25 turning darkmagician_girl25
Helen @WattyRoyalties
BINABASA MO ANG
My Heart beats for LOVE (HIATUS)
Novela Juvenil"A POTION story with a twist!!" Nais ni Trae na mapa-ibig ang kanyang cassanova boyfriend kaya gumamit siya ng potion. At dahil sa hindi inaasahang pangyayari, inakala niyang ang bestfriend nitong si Charles ang siyang nakainom nito. Nang dahil sa p...