POTION 7
_-_Trae's POV_-_
Oh no... Nahuli na niya ako. Ngumiti na lang ako. Ngiting guilty ba? (hindi ah!)
"Babe, I thought you're just a minute, What took you so long?" titig na titig siya sa akin na parang pinagtaksilan ko siya, KALOKA talaga ang JD na ito. Eh, siya nga itong may kakambit na 3 babae ah.
"Sorry hon, kung hindi na ako nakapagpaalam, mukha kasing busy ka sa pag-eentertain sa mga babae kanina. Wag kang mag-alala, nagpahangin lang ako tapos doon kami nagkakilala ni Charles". Hahaha XD akala mo magpapatalo na lang ako sa kanya.
"Hay naku! Mukhang alam ko na kung bakit ka umiiyak kanina. Dahil sa tuta pala huh!" ibinulong sa akin ni Charles habang naglalakad palayo sa amin. Napahiya ako doon ah.
Nag-usap na kami ng maayos at nabalik na sa table namin. (Hayy! Naiinip na naman ako.)
Biglang nagvibrate ang phone sa purse ko. Binuksan ko at tiningnan kung sino ang nagtext. Ay! Push message pala galing gameloft. Mamaya ko na lang ito da-downloadin.
Noong ibabalik ko na ang cellphone sa purse, napansin ko iyong bote ng potion. Ay! Talaga bang ulyanin na ako? Ngayon ko lang naalalang may misyon nga pala ako.
Saktong dating ni JD at may dalang dalawang drinks. Syempre ibinigay sa akin ang isa.Umaayon talaga ang kapalaran sa akin.
Ipinatong niya sa table ang dalawang drinks. (Kapag sinuswerte ka nga naman oh,) tinawag siya ni Charles dahil may ipakikilala ata itong kabarkada.
Pinili ko iyong iced tea dahil alam kong favorite ni JD ang lemon juice. Inihalo ko na ang potion sa inumin ni JD at hinihintay na lang ang kanyang pagbabalik.
Natanaw ko na siyang palapit kaya hindi ako masyadong magpahalata. Act normal lang. Kaya nag-sip na lang ako sa aking iced tea.
"Sorry kung natagalan ako. Bored ka na ba? Anong gusto mo" tanong niya ng makalapit sa akin.
Hinawakan na niya ang baso tapos...
Dahan-dahan...
Palapit ng palapit...
Kinukutuban na talaga ako.
"Oh! Bakit mo naman ako tinititigan ng ganyan?" puzzled ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"Ah w-wala la-lang! Ang gwapo mo kasi. Hindi ko mapigilang hindi titigan ang boyfriend ko" wooshuu... Ayos ang palusot ko. Diba?diba?
"Hahaha akala ko kung ano na ... Pinagnanasahan mo lang pala ako." sabi niya sa akin tapos ngumiti ng nakakaloko.
(Ano ba, inumin mo na yan? Pasuspense pa eh.)
Tapos may biglaang tumugtog, saan naman galing iyon. Biglaang tumayo si JD at nagsayaw sa saliw ng musika. Party party siya doon.
(Sinasabi ko na nga ba! Hayok talaga ito sa music.)
Tapos naging slow dance naman ang music. Nag-sesenti mode ako at nakikikanta. Bakit? Walang basagan ng trip. May biglang lalaking lumapit sa aking kinatatayuan at niyayaya akong sumayaw.
"Can I have this dance?" Sino pa ba. Eh di si JD. Ginaya pa talaga si Troy ng High School Musical. (Ano pa nga bang magagawa ko, pagbigyan na.)
"Sure pero saglit lang tayo ha, masakit na kasi ang paa ko." pagdadahilan ko sa kanya.
(Naku! Patay, ang juice na iyon. Sana walang uminom noon. Nasa table naman namin eh.)
BINABASA MO ANG
My Heart beats for LOVE (HIATUS)
Genç Kurgu"A POTION story with a twist!!" Nais ni Trae na mapa-ibig ang kanyang cassanova boyfriend kaya gumamit siya ng potion. At dahil sa hindi inaasahang pangyayari, inakala niyang ang bestfriend nitong si Charles ang siyang nakainom nito. Nang dahil sa p...