Potion 3

334 13 1
                                    

POTION 3         

_-_Trae's POV_-_

Pagka-uwi namin dumiretso na agad ako sa aking kwarto. Inilapag ko ang mga paperbag na aking pinamili at agad na kinuha sa bag ang itim na libro.

Binuklat ko ito at binasa iyong tungkol sa love potion (syempre iyong english translation yung binasa ko.)

Nabasa ko na kailangang iyong latin words ang babanggitin sa pagbuo ng potion.

Madali rin namang hanapin ang mga ingredients na kakailanganin.

Tumayo na ako at nag paalam sa aking ina na may kailangan akong bilhin dahil may tinatapos akong experiment.

Very supportive naman sila sa akin katunayan nga ang basement namin ay ginawa ko ng lab.

Hindi naman ito kagaya ng Dexter's Lab o Jimmy newtron's lab pero favorite cartoon character ko naman sila pati si Phineas&Ferb kahit wala siyang laboratory, astig ang mga inventions nila.

Nandito lahat ng mga na-invent at na-innovate ko. Wala lang,, nangangalikot lang ako ng gamit tapos dito ko lang tinatambak.. Hahaha XD..

Hindi naman joke lang... dito ko lang naman nilalagay ang mga napanalunan ko nung Science Fare nung High School..

Yearly kasi akong sumasali but hanggang 1st runner-up lang ako. Iyong Validectorian namin ang laging nananalo at nakadisplay ang invention sa aming school laboratory.

By the way sa Ramon Manuel Science High School ako nagtapos at currently 2nd year na ako sa Ramon Manuel University. Excited na ako sa opening this sem. Baka madaming gwapong transferees. Wait !! Nalalayo na tayo sa topic, kailangan ko ng bilisan, gumagabi na at baka wala na akong mabilihan nito.

After 3hours, nakauwi na ako sa bahay. Nabili ko na lahat ng mga ingredients na gagamitin.

Maaga akong nag dinner tapos dumiretso na sa lab. Pag pumasok na ako dito alam na nilang may tatapusin na naman akong experiment kaya hindi na nila ako iistorbohin.

Umupo muna ako saglit para makapagpahinga.

Naghihintay bago masimulan ang akin orasyon. Tapos naalala ko ang nakaraan.

***

FLASHBACK...

"Gooood Morniiiing Best!!!" maaga pa lang ay pumunta na agad ako sa bahay ng bestfriend ko.

"Ano bang nakain mo at ang aga mo ata? Sabihin mo sa akin at ibibili kita nang hindi tayo laging nalalate." sabi ng aking early bird na bestfriend pero na-lalate pa rin dahil sa akin. Hehehe... Peace V (*_*) V

"Sabi kasi ng horoscope ko na it is my lucky day. Now ko daw makikilala ang aking one true love." syempre naniniwala pa rin naman ako sa mga signs.

"Eh ang dami kayang lalaki sa daan paglabas pa lang natin sa subdivision, paano mo mahahanap ang true love mo?"

 tanong sa akin ni Ziel.

"Sabi kasi makakabangga ko siya ngayon, syempre pati instinct ko at beat ng heart ko eh gagamitin ko. Titingnan ko kung totoo ang love at first pati iyong butterflies in my stomach. Gusto kong ma-feel na love is in the air. Gusto ko ng mainlove."

"Eh syempre iyon ang ilalagay nila jan. February 1 na ngayon, malapit na ang Valentines. Sadyang ganyan ang mga ilalagay na issue, by theme din yan eh. Kaya di ako naniniwala sa mga ganyan."

 galit ata sa love ang bestfriend ko. Na broken-heart na ata?

(2nd year college na kami pero mukhang may tinatago pa siyang sikreto sa akin. Uuhhhmmm... Tanungin ko na lang siya one of these days kasi araw ko ngayon, gusto ko masaya lang at walang problemang iintindihin. Good vibes dapat ang pumapasok ngayon.)

My Heart beats for LOVE (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon