Potion 15

184 10 8
                                    

POTION 15

 

 

_-_Trae's POV_-_

 

 

Syempre si Cafe Mirasol ang heading namin. Pareho kasi naming favorite doon. Umorder na siya ng kanyang all-time favorite na Apple-Cinnamon Tart and Apple-Banana Smoothie. Ang akin naman ay Strawberry Cheesecake matching with Strawberry Shake.

 

 

(A/N: Hindi ka naman mahilig sa strawberry? *sarcasm* )

 

 

[Eh si Ziel sa apple naman. Bakit ako lang ang lagi mong napapansin. -3- ]

 

 

Kadarating lang ng order namin. Agad na kinuha ni Ziel ang kanyang apple shake, nag-sip lang ng konti at nagsimula nang mang-intriga.

 

 

"Alam mo, gulong-gulo na ako. OP pa nga eh. Halos ilang linggo lang akong naging busy, ang dami ng nangyari sa'yo. Best friend mo ako tapos wala ka man lang sinasabi sa akin. Anong role ko sa buhay mo? Isang dakilang pang-display lang? Para may masabi ka lang na bestfriend?" Oh! Yeah, nagdrama na naman siya.

 

 

"Wait! Eto na nga, iku-kwento ko na. Naalala mo ba iyong binili kong black book?"

 

 

"Oo naman. Don't tell me ginamit mo talaga iyon?" nag-nod na lang ako sa kanya bilang sagot.

 

 

"Kaso--" tingnan mo ito, nagpapakwento tapos pinuputol naman ang mga sinasabi ko.

 

 

"OMG!! Pinainom mo talaga si JD ng potion?" ayos talaga itong mag-predict.

 

 

"Hindi nga--" wala na, putol na ulit.

 

 

"Kaya pala parang kakaiba si JD kanina. May sundo effect pa siyang nalalaman kaso maganda ako kaya naunahan ko siya." ano namang connect ng ganda niya sa topic?

 

 

Kinain ko na lang ang strawberry cheesecake ko. Ayaw niya akong patapusin magsalita, predict agad siya ng predict. Namiss ko kaya ito noong bakasyon. Kaya nanam-na-min ko muna ang aking first strawberry cheesecake this sem.

 

 

"Uy! Ano. Tama ba?" shi-nake niya ang balikat ko at natapon ang isusubo kong cake.

 

 

(Huhuhu!! Sayang babayaran ko din iyon. Namana ko na ata ang kakuriputan ni Charles. Namamana ba iyon? Nahawa lang ata. Communicable disease na pala ngayon ang pagiging kuripot)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Heart beats for LOVE (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon