POTION 12
_-_Trae's POV_-_
Nagsimula na kaming magtanungan ng basic info's hanggang madako ang pagtatanong ko sa medyo personal matter. Kanina pa kaya akong kating-kating itanong ito sa kanya.
"May itatanong lang ako sa iyo, pero sana huwag kang ma-ooffend." tumitig ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang kasagutan.
"Ok. Go ahead. What is it?" mukhang may idea na siya sa itatanong ko.
"Based sa kwento mo kanina, mayaman ka naman. Bakit wala kang load? Bakit wala kang kotse?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Iyon lang naman ang itinanong ko, syempre hindi ko isinama iyong tungkol sa Jollibee. Syempre nag-enjoy kaya ako.
Napabuntong-hininga siya pero feeling ko sasagutin niya iyan.
"Dali na...Istorya...Istorya..."
_-_Charles' POV_-_
"Napansin mo din pala iyon, SIGE, ikukwento ko na" napa-stop ako saglit at inalala ang mga nangyari noon
***
FLASHBACK...
12 yrs old ako nung nagsimula akong mahiwalay sa pamilya ko. Nasa tradisyon kasi ng pamilya namin na kailangang sa ganoong gulang ay matutunan mo na ang lahat ng kailangan mong matutunan sa tunay na mundo.
Hindi na daw namin kailangang umasa sa kanila. Lumipat ako sa isang maliit na boarding house malapit sa school. Bayad na ang tuition fees. Ang problema ay kung paano mo ba-budgetin para sa lahat ng expenses.
Kailangan kong mamuhay bilang isang ordinaryong mamamayan na pinoproblema din ang pera.
Ayoko naman sa ganitong set-up kaya inubos ko lahat ng allowance ko sa pagbili ng kung anu-anong gadget. (syempre 12 yrs old lang ako, hindi pa pwede sa gimikan)
Dahil dito pati pagkain ko sa araw-araw, hindi ko na mabili. Buti na lang bayad iyon bahay, kung hindi baka sa kalye din ako pulutin.
Akala ko oras na makita ni Daddy na nahihirapan ako, maiisipan niya na pabalikin na ako.
Pero kahit ganoon pala ang gawin ko, wala ring silbi. Nabaon ako sa utang at hindi ko alam kung paano ko ito mababayaran.
Buti nag magandang-loob ang isa kong kaboardmate (college na ata siya) na tulungan akong makapasok sa pinagpa-partime-man niya kahit under age lang ako.
Madali lang naman ang ginagawa ko doon pero kahit ganoon, natutunan ko pa rin kung paano pahalagahan ang bawat sentimong kinikita ko.
Nakita ko rin ang hindi pagkakapantay-pantay ng trato sa mga manggagawa, kung sino ang boss at kung paano tumatakbo ang kompanya. Sa loob ng 4 na taon kong pagtatrabaho doon, nalaman ko na ang pasikot-sikot ng bawat operasyon.
Pagsapit naman ng ika-16 na taon, kailangan na naming bumalik sa amin, hindi naman ako nagalit kay Daddy dahil kung hindi niya ginawa iyon, baka hindi ako ang Charles ngayon. Baka magaya lang ako sa iba jan na sunud-sunuran sa mga magulang at takot mawalan ng mana.
FLASHBACK ENDS
***
"Mala-prinsepe ang peg mo ah. Sa tv ko lang napapanood ang ganyang story."
"Parang ganoon din, inadapt iyon ng ancestor namin sa isang friend niyang king ng Finland. Nakasalamuha daw niya ito. At na-shock siyang parang ordinaryo lang ito at madali niyang naka-close. Tapos nakwento niya ang tungkol sa tradisyon nila. Buti nga hindi mula baby pa."
"Ah! kaya pala, So naka-adapt ka na din sa ganoong environment kaya ganyan na lang ang lifestyle mo." ganting sagot ni Jane matapos ang mahaba-habang pagkukwento ko ng aking talambuhay.
"At nalaman ko din na ang kompanyang pinagtrabahuhan ko ay company nila ni Ninong Jun. Mag-partner pala sila, akala ko talagang pinabayaan na talaga ako ni Daddy, syempre may kaunting hinanakit. . .hehehe XD" sabi ko sa kanya at lalo ata siyang na-shock.
"Ano? Ang galing naman akala ko talaga kayang gawin iyon ng isang ama sa kanyang anak. Bakit? Bawal ba talaga kayong tulungan, eh nasa murang edad pa lang."
"Sabi ko nga sa iyo na nasa tradisyon namin iyon, oras na malaman ng mga relatives namin na tinulungan ako ni Daddy, baka iyong pamamahala ng family business ay mawala sa pamilya namin at mapunta sa iba na gahaman sa pera.Gusto ko silang tulungan kung ako ang gagabay sa kanila para mabago ang sistemang hindi nararapat at dagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa"
"Ang ganda ng purpose mo. Tama yan. Ang swerte naman ng mapapangasawa mo "
"Nakaka-flatter naman iyang mga papuri mo. Sana ganyan din ang iniisip ni Claire, sana maging maswerte siya pag naging mag-asawa na kami" tugon ko sa kanya.
"Maswerte talaga siya, sana makilala ko din siya, pakilala mo naman ako."
"Sige ba. Asa Hongkong kasi siya ngayong bakasyon. Sa opening na lang ng school year, ok lang ba?" sabi ko.
"Ok lang, saan bang University kayo?" tanong ni Jane sa akin.
"Sa St. Mary University, . . . wait, iti-nrasfer na nga pala kami ni mommy sa RMU, ikaw ba saan?"
"Sa RMU as in Ramon Manuel University? Dun kaya ako napasok. Ano bang course niyo? Ako, Accountancy 3rd year na this coming school year."
"Syempre naman magabu-Business Ad ako kasi ako ang magmamanage ng company, si Claire naman Pol Sci gusto daw niyang maging lawyer" hehehe syempre proud kong sagot.
To be continued...
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
lhady_akira_25 turning darkmagician_girl25
Helen @WattyRoyalties
BINABASA MO ANG
My Heart beats for LOVE (HIATUS)
Teen Fiction"A POTION story with a twist!!" Nais ni Trae na mapa-ibig ang kanyang cassanova boyfriend kaya gumamit siya ng potion. At dahil sa hindi inaasahang pangyayari, inakala niyang ang bestfriend nitong si Charles ang siyang nakainom nito. Nang dahil sa p...