Chapter 12 - Lullaby

7.4K 308 141
                                    

                  

Celestine.

Nagtatanong ang mga mata ko kung bakit sya lumalapit sa akin ngunit noong mapansin ang mabilis nyang paggalaw pasugod sa akin ay naging alisto ako. Inakyat nya ang truck upang basagin ang salamin gamit ang kanyang kamao na binalot ng puting damit. Binuksan ko agad ang pintuan ng truck upang pigilin sya sa binabalak. Tumama ito sa kanya na nagdulot ng pagbagsak nya sa lupa.

"Anak ng!" Tumakbo si Cello sa direksyon namin upang tulungan ako pero binigyan ko sya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nya ako nilulusob gayong hindi ko naman sya kilala. Pero parang may bumubulong sa akin na dapat walang ibang madamay rito. Laban ko ito.

Tumalon ako pababa at kasabay no'n ay ang paglipad ni Tala palabas kasama ko. Bumagsak ako sa lupa ng nakaluhod. Ginamit ni Tala ang balikat ko upang tungtungan.

Narinig ko ang pagsigaw nya. Tumatakbo sya sa direksyon ko upang lusubin.

"HA!"

Iniangat ko ang nagbabagang mga mata. Inilabas ko ang arnis sa likod ko. Nilusob ko sya kasabay ng paglusob nya. Lumipad si Tala kasabay ng mabilis kong pagtakbo at noong magtama ang arnis ko sa balat ng kalaban ay para itong espada na humawi sa damit nya sa taas hanggang baba. Sa mabilis na paggalaw at mabilis na paghampas, ni hindi man lang nya ako nahawakan.

Nanlaki ang mga mata nya sa akin. Napahawak sya sa may tagiliran. Bumagsak sya ng walang pasabi.

"Celestine anong ginawa mo..." Tumakbo si Cello upang tingnan ang lalaking iyon na namimilipit sa sakit sa mga natamong paghampas. Umubo sya bigla. Tinakpan nya ang mga labi. Noong tinanggal ito ay may may dugo na sa kamay nya. Iniangat nya ang tingin sa akin.

"Ang l-lakas... napakalakas mo n-na..." Umubo ulit sya ng dugo. Hindi ko maintindihan pero wala akong maramdaman.

"Celestine tulungan mo ako. Ihatid natin sya sa ospital!"

Iniangat ko ang isang arnis at itinutok diretso sa kanya. "Hindi kita kilala pero ayoko sa'yo. Kung sino ka man, sana ito na ang huling beses na magtatagpo ang mga landas natin."

Naguguluhan nya akong binigyan ng tingin. "Anong sinasabi mo? Sere—"

"Bakit mo sya nilusob? Ano bang problema mo at bakit mo kami sinusundan?" tanong ni Cello. Tinulungan nya itong tumayo. "Ang masasabi ko lang sayo, wag mong ginugulat ng gano'n si Celestine dahil mapapasama ka talaga."

"Celestine?" Kung naguguluhan na sya kanina ay mas lalo pa yata ngayon.

"Cello halika na. Kailangan na nating umalis dito." Binigyan ko pa sya ng isang malamig na tingin bago bumalik sa loob ng truck. Pumito ako upang tawagin si Tala. Wala pang ilang sandali ay lumipad na sya pabalik sa akin.

"Serene... hindi mo na ba ako naaalala?" namimilipit man ang tagiliran ay sinubukan nyang kalampagin ang pinto ng truck sa tabi ko. "Ako ito, si Julian. Serene."

Isinara ni Cello ang pinto sa tabi nya. Kunot-noo nyang pinaandar muli ang truck. Marahil nagtataka sa lalaking patuloy ang pagkatok sa truck na sinasakyan namin.

"Serene, sinugod kita dahil naaalala mo ba ang rule natin sa Intricate noon? 'The immediate battle upon meeting'."

"Cello paandarin mo na." Ginawa naman nya ang sinabi ko. Umatras kami upang mailiko nya sa ibang direksyon ang truck. Nakaharang kasi ang kotse ng lalaki sa harap namin.

"Serene please! I am sorry to everything. Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko sa'yo noon. Please go home. Please!"

"Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'yan? Tinamaan mo ba sa ulo kaya ngayon nababaliw na?" tanong sa akin ni Cello.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon