Maaga pa lang ay pumapasok na ako sa opisina. Hawak ang isang kape na dinaanan ko kanina bago pumunta rito, dumiretso ako papasok sa loob habang dinaraanan ang lahat ng mga empleyado kong bumabati sa akin.
Huminto ako sa harap ng elevator. Isang hakbang paabante ay bigla akong huminto.
Hindi ko pa rin pala kaya. Ayokong makulong.
"Papasok kayo sir?" magalang na tanong sa akin ng isa kong empleyadong lalaki. Matyaga syang naghintay sa isasagot ko.
"Sir?"
"Umakyat ka na." Walang emosyon kong sagot. Tumalikod ako palayo diretso sa hagdan. Naiwan sya roon na napakamot.
Maglilimang taon na ang nakalipas noong nawala si The Highest ngunit masakit isipin na kahit na ba inaagnas na sya sa ilalim ng lupa, ang mga bangungot ng nakaraan na idinulot nya ay nananatili pa ring nakatatak sa buong pagkatao ko.
Sya ang may dahilan kung bakit namatay ang mama ko, kung bakit nawala ang papa ko, kung bakit nawala ang buong pamilya ko at kung bakit nawala ang taong mahal ko.
Nanlalamig ang mga pawis sa noo ko noong sa wakas ay nakaabot na ako sa ika-apat na palapag kung nasaan ang bago kong opisina.
"Jace may bisita ka sa loob." pagbibigay impormasyon sa akin ni Aiden noong makita ang pagdating ko.
"Sino?"
Binuksan ko ang pintuan. Sa loob ay nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair ko. Pina-ikot nya ang swivel chair paharap sa akin noong marinig ang pagpasok ko.
"Hi Jace." May pinalipad pa syang papel na eroplano sa akin. Pinakielaman na naman nya ang ilan sa mga papeles na nasa mesa ko. Hindi na natuto.
Sino pa nga ba? Sya lang naman ang may lakas ng loob na gawin iyan.
"Nathan."
"Isasara ko muna ang pinto." paalam sa akin ni Aiden. Sa likod ko ay ang tahimik na pagsara ng pinto tulad na rin ng sinabi nya.
Ibinaba ko ang dala kong bag bago hinigop ang natitirang kape sa baso ko.
"Tumayo ka nga jan." iritado kong inihagis sa kanya ang baso na ngayon ay wala ng laman.
Natatawa lamang nya itong sinalo ng walang kahirap-hirap.
"Ang aga-aga high-blood ka na naman. May problema na naman ba sa kumpanya?"
"Marami." inayos ko ang necktie sa leeg ko. "Kaya siguro mas mabuti kung itigil mo na ang kaadikan mo sa pangangarera. Napapabayaan mo na ang trabaho mo rito."
"Oh come on, ikaw din naman naadik diba?" Itinaas nya pa ang mga paa sa mesa ko. Tinapik ko ito palayo at pinalayas sya sa upuan ko.
"Oo pero hindi kasing adik ng katulad sa'yo."
"Sinusubukan ko lang naman yung mga bago nating kotse. Ayaw mo yun, ako na ang free tester kung maganda ba yung prinoproduce natin o hindi."
Tester daw. Gusto nya lang namang sya ang unang makagamit bago mailabas sa merkado kaya nya ito pinapaandar. Napaikot na lamang ako ng mga mata saka napailing sa kalokohan na sinabi nya.
Binuksan ko ang computer ko. Sumandal sya sa mesa ko at nakangising pinakielaman ang mga gamit ko rito. Kinuha nya ang isang dilaw na squeezy ball na may smiling face. Hinagis-salo nya sa hangin ang bola.
Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Binigyan ko sya ng masamang tingin.
"Ingatan mo yan. Kapag ayan nawala, wala kang makukuhang allowance sa akin kahit umiyak ka pa ng dugo sa harap ko."
BINABASA MO ANG
Listen To My Lullaby
Ação(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taas pero minsan naman ay nasa baba. Bumaliktad ang mundo para kay Jace magmula noong mawala ang pinaka importanteng tao sa buhay nya. Five yea...