Chapter 45
The Calm before the Storm
Serene
Mula sa pinanggalingan namin hanggang ngayong nasa lupain na kami ng Verino ay may mga humahabol pa rin sa amin na mga kalaban.
May ilang beses na kaming nakipagpalitan ng putok ng baril ngunit ayaw nilang papigil. Ngunit hindi sila ang higit na problema namin kundi ang oras.
Hindi ko makakalimutan ang bawat minuto na lumipas. Kung paano pinalipad ni Kuya Niel ang kotse. Kung paano napapakapit si Cello sa upuan sa aking tabi. Kung paano halos masuka-suka si Kuya Paul sa sobrang pagkahilo sa bilis. At kung paano kumabog ang puso namin ni Aziel sa kaba lalo na si Aiden kung makakaabot ba kami sa tamang oras.
Limang minuto na lang pero papasok pa lang kami sa siyudad bg LaReina na siyang hawak ng Black Savage.
Lima, apat, tatlo, dalawa...
Hindi ko makakalimutan kung paano mula sa isang minuto ay halos ilundag ng kotse namin ang lupain sa pagitan ng Verino at LaReina. Pigil hininga kaming lahat lalo na noong makita namin sa suot kong relo na pagsapit ng saktong alas-dose ay nakapasok na kami sa welcome sign ng LaReina.
At ganun na lamang ang gulat namin noong makita sa magkabilaang gilid ng daan ang napakaraming kotse at tao. Lahat nakakulay itim. Lahat ay tila ba kamukha ni Kamatayan na sumusundo sa amin.
Death.
Sa gitna ng lahat ng napakaraming taong iyon ay si Jace kasama ang ibang mga gangmates sa likod. Nasa gitna sila ng daan na tila ba kanina pa hinihintay ang pagdating namin.
Hininto ni Kuya Niel ang kotse bago pa namin sila masagasaan. Kulang na lang lumipad kami mula sa kinauupuan namin dahil sa lakas ng impact, mabuti na lang nakasuot kami ng seatbelt.
Makikita mo ang usok sa aming tabi mula sa gulong ng kotse. Sa sobrang bilis namin ay halos magliyab ito.
Pigil hininga kong itinaas ang tingin sa harap. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng kotse namin mula sa grupo nila Jace ngunit parang hindi sila natinag. Mabuti na lang talaga natapakan ni Kuya Niel ang preno. Mabuti na lang.
"Jace," sambit ni Aiden sa kanyang pangalan. Gayunman, hindi sa kanya napunta ang atensyon ko kundi sa rearview mirror sa aking harapan. Nakita ko kung paano ekspertong ipinuwesto ng Black Savage ang kanilang mga kotse bilang barikada. Kung paano nila pinagbabaril at pinasabog ang mga kotse na kanina lang ay humahabol sa amin. At kung paano nila pinagkaisahan na proteksyunan ang kanilang lupain mula sa mga kalaban. Wala halos natira. Wala ni isa ang nakapasok sa harang na ginawa nila.
Naunang lumabas sina Aiden, Kuya Niel, at Kuya Paul sa kotse. Gayunman, ang tingin ni Jace ay nasa loob pa rin ng kotse na tila ba pilit inaaninag mula sa liwanag na nanggagaling sa headlights kung sino ang mga tao na naroon.
"Jace hindi mo na kailangang sumugod sa NL7. Nandito na kami. Eksaktong sa oras na binigay mo."
"Sa main headquarters ang usapan Aiden."
"Alam namin pero--"
"And you guys are a minute late."
"Oh come on, seriously?"
"Kuya Paul and Aziel needs an emergency. Ano pang hinihintay nyo?" Utos ni Kuya Niel sa iba. Agad namang lumapit ang mga nakatokang manggagamot sa paligid upang lapatan ng lunas ang mga kasama namin.
Lumabas ako ng kotse. Kasalukuyan pa ring nakikipagdiskuyunan si Aiden kay Jace.
"Wala tayong mapapala kung susugod tayo sa NL7. Ang kailangan nating gawin ay pag-usapan ito."
BINABASA MO ANG
Listen To My Lullaby
Acción(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taas pero minsan naman ay nasa baba. Bumaliktad ang mundo para kay Jace magmula noong mawala ang pinaka importanteng tao sa buhay nya. Five yea...