Chapter 30 - Tears

8.9K 319 239
                                    

Chapter 30 

Tears

Celestine

Ako si Celestine Gonzalez.

Sa mga nagdaang taon ay masaya na ako sa sarili, kuntento na sa buhay na meron ako at wala na akong ibang mahihiling. Ngunit magmula noong dumating ako rito sa Maynila at nakilala ko si Jace na nagtatago sa pangalang Raven, lahat ng inakala ko at pinaniwalaan ko tungkol sa sarili—lahat... nagbago. Nagkaroon ako ng mga katanungan sa sarili na kahit kailanman ay hindi ko ginawa.

Ako si Celestine Gonzalez. Pero ako nga ba siya?

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay lumabas na ako sa Black Savage Headquarters upang tumakbo sa labas. Upang makapag-isip. Upang maayos ko ang sarili na biglang nagulo magmula noong nangyari ang mga tagpo sa pagitan namin ni Jace kagabi.

Tumakbo ako ng tumakbo sa labas katulad ng palagi kong ginagawa sa isla noon sa tuwing umaga. Tumakbo ako ng tumakbo at nakapagtataka na tila ba alam mismo ng mga paa ko kung saan ako tutungo.

Bakit? Bakit ba ganito?

"Serene, you are not Celestine. You are Serene Lopez. And you are my queen."

Tumakbo lang ako ng tumakbo, pabilis nang pabilis, palayo nang palayo sa lugar na ito na nagpapagulo sa aking isip.

"You are Serene Lopez. You are Serene Lopez. You are Serene Lopez."

"Hindi. Ako si Celestine."

"Serene?"

Naaalala ko ang lalaki na may abong mga mata. Siya ang unang tumawag sa akin ng pangalan na iyon noong nagsisimula pa lang kami ni Cello sa misyon namin.

"Hindi. Ako si Celestine." Mas matigas ko pang saad sa sarili.

"Serene..."

Ang saya sa mukha nina Niel at ng iba pa sa kanila noong una akong makita. Na akala mo kilalang-kilala talaga nila ako. Na akala mo isa akong mamahaling bato na sa wakas ay muli nilang nakita.

"Ako si Celestine."

"Serene, you are not Celestine. You are Serene Lopez. And you are my queen."

"Ako si Celestine!" Sigaw ko habang wala sa sariling napahinto sa pagtakbo at humagulgol sa daan kung saan ako nakaabot. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin o sa kung ano ang maaaring mangyari sa akin. Humagulgol ako roon habang sinasabunutan ang buhok.

"Hindi. Mali kayo. Ako si Celestine at isa akong Gonzalez." Sabi ko pa sa sarili pero bakit kahit anong gawin ko, kahit ano pang ulit ang gawin ko sa pangalan na iyon ay parang may mali sa buong pagkatao ko?

Naalala ko sina Inay Clara, si Itay Cleo, si Tatang at ang buong isla. Naaalala ko ang masasayang alaala namin, ang simpleng buhay na mayroon kami. Ngunit sa ikalawang banda, mayroon ibang buhay na pilit kumakatok sa aking isipan. At sumasakit ang ulo ko. Ang sakit-sakit. Ang daming alaala. Para na itong sasabog.

"Close your eyes and breathe slowly." Naaalala ko ang sinabi sa akin ni Jace. Parang katabi ko lang siya, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paghagod niya sa likod ko noong araw na iyon.

"Hindi kaya pinipigilan mo lang?" ang mga salitang sinabi niya sa akin noong sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Pinipigilan.

Sa mga nagdaang taon ay kapag sumasakit na ang ulo ko tulad nito wala akong ibang ginagawa kundi harangin ang sarili sa mga alaala na hindi ko maipaliwanag. Minsan kulang na nga lang ay iuntog ko na ang ulo dahil sa sakit. Gusto ko na lang matapos. Gusto ko na lang maglaho. Pero kahit kailan ang mga alaala sa isipan ko ay hindi ko hinarap.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon