Chapter 34 - Surrounded

6.4K 241 106
                                    


Chapter 34

Serene

Nagising ako sa malakas na hangin na dala ng pagaspas ng malalaking pakpak ni Tala. Tumungtong ito sa kalapit na mesa sa higaan ko.

"Tala ano ka ba! Sabi nang 'wag kang--"

"Okay lang Niel." Sabi ko sa kanya noong makita ang panic sa mukha niya. Mukhang galing siya sa pagtakbo.

"Pasensya na Serene nagising ka pa yata namin. Papakainin ko lang sana si Tala kaso pagkalabas ko sa kanya roon sa malaking hawla sa labas lumipad na siya patungo rito."

"Namiss niya yata ako." Pinagmasdan ko ang alagang ibon na tila ba tumatalon-talon papalapit sa higaan ko. Huminto ito bago mitikolosong nilinasan ang mga pakpak. "Okay lang talaga Niel. Kagigising ko lang din naman."

"Ganun ba? Sige." Tumalikod siya pero humarap ulit, waring may ibig sambitin. "Serene?"

Lumingon ako sa kanya.

"Masaya talaga ako na nandito ka na ulit." Sabi niya bago siya lumabas ng pinto.

Tahimik akong naglakad-lakad sa garden ng Ellipses Headquarters upang makalanghap ng sariwang hangin. Si Tala ay tulad noon, nakahanap ng kumportableng pwesto sa may balikat ko.

Pupuntahan ko sana si Cello sa loob ng kwarto niya ngunit naabutan kong mahimbing pa rin siyang natutulog kaya iniwan ko muna. Marami akong nadaanan na mga Ellipses sa paligid na nginingitian ako palagi. Gayunman, may hinahanap ang aking tingin na kanina ko pa hindi nakikita sa paligid.

"Hinahanap mo ba si Jace, Serene?" Boses na nanggagaling sa likuran ko. Naglalakad papalapit sa akin si Paul habang nakabulsa ang mga kamay.

"Umalis ba siya?"

"Jace is a very busy person. Dumaan lang siya rito kanina para sa meeting namin pero umalis din."

"Akala ko dito sya nag-overnight?"

"Overnight? Noong pumasok ka sa kwarto mo kagabi tinawagan siya ni Nathan for some urgent meeting about Ashez Corporation. May nireport din si Julian tungkol sa NL7 na siyang inasikaso niya. Wala nga yata sa bokabularyo ng taong 'yun ang matulog."

"Kung ganun wala pa ring nagbago, workaholic pa rin pala talaga ang taong 'yun."

"Exactly." Ngumiti siya. Ngayong mas nakita ko siya ng mas malapitan, ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang ngiti niya.

"Siya nga pala, pinabibigay sayo ni Jace."

May inabot siya sa akin na isang maliit na itim na kahon. "Ano ito?"

"Cellphone. Para raw kahit na anong mangyari, matatawagan mo siya at matatawagan ka niya."

Binuksan ko ito at nakita ang isang eleganteng itim na touch screen cellphone. Kinilatis ko ito.

"Bagong-bago. Mukha ring mamahalin."

"Of course. Ikaw pa. Only the best for his love. Tara na kumain na tayo ng almusal. Alam ko gutom ka na rin."

Nagkuwentuhan kami saglit. Masayang kausap si Paul, puro siya biro. Magaan ang loob ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa isang maluwang na open ground sa likod ng headquarter. Sabi niya may ipapakita siya sa akin.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya noong mapansin na may inilalabas siya sa isang gilid. Lumapit ako sa kanya at nakita ang kinukuha niya.

"Marunong ka ba nito Serene?"

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon