Jace.
Nagpatawag ako ng isang private meeting kanila Paul at Niel— eksklusibo lamang para sa aming tatlo.
"Meron akong nakalap na impormasyon na ginawa raw na secret hiding place ng NL7 ang Nefario warehouse na pinasabog natin kamakailan." Ibinaba ni Paul ang isang itim na folder sa harap ng malaking mesa na pinalilibutan namin. Dito kami madalas na nagplaplano ng mga gagawin dahil makikita mo sa mesa ang mga mapa ng lugar na nasasakupan namin.
"That's exactly what I'm going to talk about right now." Ibinagsak ko ang dalawang kamay sa mesa na may malakas na kalabog. Hindi ko maitago ang galit sa mukha ko. "What the fuck did just happened? Paano sila nagkaroon ng access doon sa Nefario?"
Si Niel ang sumagot. "Pina-imbestigahan ko ang mga naging ka-partnership mo sa warehouse na iyon at nalaman ko na tinakot sila ng NL7 at pinagbantaan. Apparently, bumigay sila dahil na rin siguro sa takot. Nagkaroon ng access ang NL7 doon right after ng pagpapasabog na ginawa natin sa warehouse."
"Ang mga baril?"
"Base sa dami ng nakuha natin doon noong araw ng confiscation, sa tingin ko nakuha naman natin almost half--"
"Almost half?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. "That's it? And what about the other half of the guns and ammunitions na ilegal na ipinapadala roon?"
"Twenty five percent ay napasabog natin."
"But the remaining twenty-five percent?" Natahimik silang dalawa. Napapikit na lamang ako ng mga mata at napahawak sa sentido ko. Alam na namin ang ibig sabihin no'n. Na may naitago pa rin ang mga NL7 kaya ngayon ay umaarangkada ang kayabangan nila upang manakot.
Kinuha ko ang baril sa mesa at kinasa.
"Saan ka pupunta?" Kabadong tanong ni Niel sa akin.
"It's time for those coward businessmen to teach them a lesson." Tumalikod ako ngunit napahinto rin noong marinig na magsalita si Paul.
"Sasayangin mo lang ang oras mo. Nakaalis na sila ng bansa noong isang linggo. Nagwithdraw na rin sila sa karamihan ng mga businesses na pinasukan nila at ibinenta ang mga bahay at lupain nila. Unfortunately, wala na yata silang balak bumalik pa sa bansa pagkatapos ng nangyari. Alam kasi nila kung sino ang kinalaban nila. Trinaydor ka nila, ikaw na Hari. For sure by now they knew about your unmercy killing."
Tiim-baga kong ibinagsak ang baril sa mesa. Mga hangal. Mga duwag. Gusto kong tumawa sa mga kahangalan nila pero walang lumabas na tawa sa aking mga labi.
"Jace... si Serene? Nahanap mo na ba sya?" Alanganing tanong ni Niel, makikita mo sa mga mata nya ang pag-asa. Pagkatapos ng mga tagpo sa fiestahan ay hindi ko na ulit sya nakita. Ngayon na lang ulit kami nagkaharap ng ganito. Tiningnan ko sila diretso sa mata.
"I found her."
Pigil hiningang nagpakawala na tawa si kuya Paul. Samantalang si Niel ay nanlaki na lamang ang mga mata. Sa sobrang gulat ay hindi sya makapagsalita. Tuwang-tuwa syang tinapik ni Paul sa likod, sumisigaw at nagpapasalamat na sa wakas, matapos ang ilang taon na paghahanap at habulan ay nakita na namin ang hinahanap namin.
"May problema."
"Problema?" Tanong ni Paul. "Ano pa nga bang aasahan ko? Palagi naman. Bring it on!"
"Hindi nya tayo maalala." Iniangat ko ang tingin sa kanila. Their laughter died down.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Niel.
"I think the reason why she did not come back to us immediately was because of this. She has an amnesia."
Natahimik silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Listen To My Lullaby
Action(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taas pero minsan naman ay nasa baba. Bumaliktad ang mundo para kay Jace magmula noong mawala ang pinaka importanteng tao sa buhay nya. Five yea...