Chapter 6 - Difference

8.8K 334 106
                                    

Jace.

Tumunog ang alarm clock ko sa ganap na alas sais ng umaga. Bumangon ako agad ng walang pagdadalawang isip. Sa totoo nyan ay hindi rin naman talaga ako nakatulog. Buong gabing mulat ang mga mata ko sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Pagkatapos maghugas at magpalit, sa may pinto pa lang ay sinalubong na ako ni Aiden. May inabot sya sa aking isang papel.

"Naayos ko na."

Abala ako sa pagbobotones sa kulay itim kong button up long sleeves shirt. Ito ang unang araw sa tagal ng panahon na wala akong isusuot na suit o blazer para sa opisina.

"Tama nga tayo sa hinala natin, isa ang warehouse na iyon sa mga iligal na pagawaan ng mga baril na binebenta sa black market. Naghahanap talaga ng gulo ang mga taong iyon."

Tinutukoy nya ang tungkol sa mga negosyanteng naka-meeting ko sa isang restaurant noong isang araw. Matagal na namin silang minamatyagan dahil may malaking posibilidad na gawin silang supplier ng baril ng mga gang na gustong magrebolusyon. Binigyan ko na sila ng warning noong nag-usap kami. Hindi sila nakinig. (A/N: Sila yung kausap ni Jace sa Liham 2 :))

"Bibigyan pa ba natin sila ng warning?"

Naging madilim ang aura ko. "Hindi na."

"Ipapasara na ba natin? Madali lang naman iyon--"

"Malaki silang tao. Gustuhin ko man na burahin na sila sa mundo, isa silang malaking kliyente sa kumpanya. Nagsisimula pa lang si Nathan na gumawa ng sarili nyang pangalan. Kapag nawala sila, mahihirapan si Nathan na kunin ang tiwala ng Board of Directors." Matapos ang ilang araw na masugid na pagtuturo kay Nathan ng mga pasikot-sikot sa kumpanya, kahit papaano ay kaya nya na rin. Inatasan ko si Aiden na umalalay sa kanya habang ginagawa ko ang dapat kong gawin.

"Kung ganun anong balak mo?"

"Kailangan muna nating i-on hold ang kahit na ano na balak natin sa kanila. Hindi sila maaring mabuwag. Hindi sa ngayon."

"Magpapadala ka ba ng spy? Kung ikaw na lang kaya mismo ang pumasok doon para mangalap ng ebidensya para may panlaban tayo kapag dumating ang panahon?"

Itinupi ko ang long sleeves shirt ko pataas sa may braso ko. "Hindi ko mahaharap iyan ngayon. Alam mo na may mas importante akong gagawin."

"Pero Jace mas maganda kung mismo ang mag-aasikaso sa warehouse na 'yon."

Hinabol nya ako hanggang pinto noong makita na palabas na ako.

"Jace!"

"Everything is under control. Bumalik ka na sa opisina." Sinara ko ang pinto sa mukha nya.

Suot ang kulay itim kong shades, sa may library ang diretso ko upang maghanap at magbasa ng mga dyaryo limang taon na ang nakakaraan hanggang sa kasalukuyan. Kailangan kong maghanap ng kahit anong balita na may kinalaman sa kanya. Kung may natagpuan ba silang nawawalang babae, kung may nakita man silang kahawig nya sa kung saan mang lugar-- kahit ano. Mahirap umasa sa mga taong tatawag lang sa akin para magbigay ng hindi makakatotohanang impormasyon para lang sa pabuya.

Sa likod ng patong patong na libro at dyaryo sa harap ko, alam kong hindi ako pansin ng ibang mga taong nagsisipasukan sa library.

"Hay naku, naiinis ako sa mga magulang ko. Sabi ko 6th Edition na libro ang kailangan ko hindi 5th Edition, binili ba naman nila 'yong 5th? Nakakainis! Ayan tuloy napapunta pa ako sa library para magresearch para sa letcheng assignment na yan. Ayoko kayang magsulat!"

"Ay grabe ka naman, diba sabi ni Sir 5th Edition o kahit pa nga yung ibang old version pwede sa klase nya? Magagamit mo pa rin yung libro mo."

May dalawang babae ang umupo sa kabilang mesa na halos katabi ko rin.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon