Chapter 49
The Uprising: A Piece of the Past
Jace
Umaalingawngaw ang bawat pagtapak namin sa pasilyong nilalakaran. Bawat paligid ay may liwanag, puwera na lang sa dulo.
Huminto ako. Ganun din ang mga kasama ko sa likod.
May inabot sa akin si Jaden na isang kaha ng sigarilyo. Kukunin ko sana kasama ng lighter ngunit napahinto ako.
"Death, may problema po ba?"
"Throw it." Inayos ko ang suot na neck tie.
"Po? Pero ito po ang special cigarette na nirequest nyo--"
Hindi ko siya pinansin. Tinuon ko na lamang ang tingin sa harap.
"Nasaan na sila?"
"Padating na, Death." Sagot ni Sophia.
May narinig kaming pagyapak ng mga paa na papalapit kung nasaan kami. Huminto sila bago pa man maabot ang liwanag. Pwera sa kanya.
"You're 5 minutes late."
"I'm sorry, Mr. Alvarez. We got caught on traffic."
"That is not enough excuse for a very important meeting, don't you think Ms. Ambrosia?"
Ngumisi siya akin. Ang labi niyang kulay pula ay eleganteng kumurba diretso sa kanyang seryoso ngunit mapaglarong mga mata.
"You're glowing, Mr. Alvarez. I wonder why?"
"You as well, Ms. Ambrosia."
"You look well used."
"Pardon?"
"I said, I never seen your aura so light and fresh. Nakakapanibago. Your aura used to be always dark and heavy."
"Save your compliments Ms. Ambrosia, I'm here for business."
Inabot nito ang handbag na dala sa isang lalaki na nasa likod. Kapansin-pansin ang napakahabang pulang kuko sa kanyang mga kamay na tila may kristal pa bilang dekorasyon. Sa bawat paghataw ng liwanag ay ang pagkislap nito.
"Very well then, tungkol sa meeting na ito--"
"I want out, Ms. Ambrosia." Sinabi ko na ng diretsyahan.
"Out? What do you mean?"
"Hindi ko na itutuloy ang deal natin."
"Napagkasunduan na. Pumayag ka na last year. Ang tagal ka naming niligawan para rito. Marami nang pera ang nasayang para lang umatras ka."
"I was not myself last year. Babayaran ko ang danyos kung kinakailangan."
"And you think you're with yourself now?"
"Yes."
"You're delirious."
"I'm just being honest. Aminado akong nagpadalusdalos ako sa mga naging desisyon ko sa mga nakalipas na taon. Matagal kong pinag-isipan ito. And I came with a conclusion that--"
"You can't do that!" Malakas na umalingawngaw ang kanyang boses sa paligid.
Her intense brown eyes stared right through me. I could feel her anguish and impatience--- a paradox of what she was trying to show a while ago.
Ngunit agad din iyong nawala na tila ba kahit siya ay nagulat sa biglang inasta. Pinagmasdan niya ang mga mata ko na puno ng pagtataka na para bang may nakita siyang sikreto na siya lang ang nakakaalam. At kung ano man iyon, mukhang hindi siya masaya.
BINABASA MO ANG
Listen To My Lullaby
Acción(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taas pero minsan naman ay nasa baba. Bumaliktad ang mundo para kay Jace magmula noong mawala ang pinaka importanteng tao sa buhay nya. Five yea...