Paggising ko, ang sakit ng ulo ko.
Tinignan ko ang paligid.. nasa bus pa rin ako pero walang tao maliban na lang sa akin..
Ano bang nangyari ??Pilit kong inalala ang mga nangyari..
Ang natatandaan ko na lang ay pupuntahan ko dapat si Daelyn..tama, si Daelyn nga..
.. nang biglang may parang itinurok sa akin na naging dahilan para mawalan ako ng malay.. Oo, yun nga.
Sinilip ko ang relo ko... 12:01 am na pala...
Sumilip ako sa bintana..Madilim pa rin sa labas.. Napansin ko rin na nahinto ang bus sa mapunong lugar na ito.. parang isang baryo na matagal ng walang nakatira ang itsura ng lugar na ito..Masyado ring tahimik at tanging kuliglig lang ang maririnig mo.
Walang bakas na andun man lang kahit sino sa mga kaklase ko.
Napag isipan kong lumabas muna ng bus nang biglang may kung ano akong narinig na kumalabog.
*Bogggsshh*
"Ahhhh!!"Napaatras ako bigla sa gulat.
Nagsitaasan ang balahibo ko sa binti at braso.Nanginginig din ang buong katawan lalo na ang tuhod ko.dahil sa takot.
Bahagyang bumilis din ang tibok ng puso ko sa kaba.Nagdalawang isip tuloy ako kung dapat pa bang lumabas ako o pumasok na lang ulit sa loob ng bus.
Pero hindi ba mas mahirap kung nasa loob lang ako nitong bus at may pumasok na masamang tao...wala akong matatakbuhan..
At isa pa, mas mabuti ngang lumabas na ako at baka makita ko sila.
Kinuha ko ang isang flashlight at ang bracelet na may krus na pendant.
Nagdasal muna ako ng taimtim at humingi ng patnubay sa Diyos.It's now or... never.
******
Hindi ko na alam kung nasaan na ba ako?
Kanina pa ako lakad ng lakad pero wala pa rin... hindi ko makita ni miski isa sa mga kaklase ko.Pasado ala una na din at mas lumalamig pa dito sa labas.. Nakalimutan ko ang magdala ng jacket panangga sa lamig.
Naglakad muli ako ng may makita akong babaeng nakacoat na itim at pula. Nakatalikod sya sa akin kaya ako lang ang nakakakita sa kanya.Nakatayo ito sa isang malaking puno.
Nanlaki ang mga mga mata ko ng makitang maglabas ito ng isang pakakol.Bigla na lang may nagtakip ng bibig ko.
"Hmmmpppff.."
"Sshhhh....wag kang maingay."sabi ng nagtatakip ng bibig ko.sa tingin ko lalaki ito.. Basi sa tindig at sa pabangong gamit nya na nagpapatunay nga na lalaki nga ito .Dahil na din sa kaunting liwanag na nanggagaling sa buwan... kahit papaano ay naaaninag ko ang kalahating mukha nya.. ngunit hibdi pa rin iyon sapat para makilala ko kung sino ito.
Nang tanggalin niya ang pagkakatakip sa bibig ko ay agad akong nagsalita.
"S-sino k-ka??"tanong ko.
Bahagya syang umatras para tumapat sa liwanag ng buwan..at nagulat nga alo ng makilala ko kung sino nga ang lalaking iyon..
"Drake??"
"Ssshhh..Sinabi ko ng wag kang maingay..baka marinig nya tayo."mahina ngunit sapat na para marinig ko.
"Sor----"Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.Bigla na lang sumulpot sa likuran ni Drake ang babaeng nakacoat na itim at pula.Nakamask ang kalahati sa mukha niya dahilan para hindi ko makilala ang babae.Nakataas ang nga kamay nito at handa ng ihampas ang hawak-hawak niyang palakol.
"Drake, sa likod mo----"
"AHHh!"daing ni Drake matapos madaplisan ng kaunti ang braso niya.
"Drake!"banggit ko sa pangalan niya.
"Tumakbo ka na Chayde!"sigaw.ni Drake.
"Pero----"
"TAKBO NA!"Sigaw pa niya ulit.Bahala na. Sabi ko sa isip ko.
Tumakbo ako ng tumakbo.Kailangan makahingi agad ako ng tulong..
Pero ang problema, saan at kanino ako makakahingi ng tulong.Hindi pa man ako nakalayo ng isa na namang lalaking nakaitim na naka mask din ang humarang sa akin.
"Hindi ka pwedeng umalis..."sabi nito sa akin pagkatapos ay hinila ako paharap sa kanya.
"Bitawan mo ko...please..Bakit niyo ba to ginagawa?!!Mga Walang----"napatigil sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata ko ng maglabas sya ng itak.
Oh Lord...
Nanginginig abg mga binti ko sa takot at kaba...Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko mas mabilis kumpara kanina.....
Itinaas niya ang mga kamay niya at handa na akong itakin ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.Hindi ako makagalaw..
Natatakot ako... at nanghihina dahil sa kabang nararamdaman ko.Patuloy din sa pagtulo ang pawis ko at parang anytime , tutulo na rin ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umaalis sa pwesto ko..
Natatakot ako..
Yun lang ang alam ko."Please...H-huwag..."mahinang pakiusap ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Napatigil ang lalaking nakamask..
Napadako ang mga mata ko sa mga mata niya .
Parang may kung anong kumirot sa puso ko..Hindi ako sigurado kung bakit..Ang alam ko lang..Pamilyar ang mga mata niya.
*Beeeenngg!*
Isang putok ng baril ang umalingawngaw.
"DRAKE!"
*****
Author's Note:Hi guys! May nagbabasa pa po ba neto??
Baka di muna akoo mag update.. Kailangan ko munang malaman kung may nagbabasa nito..Kahit 10 votes lang.. o kaya 10 reads and 5 comments..Okay na yun sa kin..
I'm deadly need your Comment and Vote please..
..malapit na naman pasko eeh..Voice out your opinions and even your sugesstions or reactions pretty please...
Thank you~
*hugs and kisses*
BINABASA MO ANG
Trip to Hell (UNEDITED)
Mystery / ThrillerWELCOME TO HELL Written by: adfinemfidelis