Seven.

39 11 2
                                    

"DRAKE!'Sigaw ko.
Agad ko syang nilapitan at niyakap matapos matumba ang lalaking naka mask.

"Drake...Thank God  , you're safe!"sambit ko sa tuwa.

"Like I told you   ...I'll never  gonna leave you alone.."sabi niya pagkatapos ay niyakap ako ng pabalik.

Sa pagkakataong ito, naging panatag ang loob ko..Panatag sa mga bisig niyang nakayakap sa akin.Hindi ko alam kung bakit pero..I always feel safe and comfortable when Im with him even though, we are not that close.

"Thank you ..for everything."I said habang magkayakap pa rin kami.

"It's nothing.."Drake replied.

Ilang sandali pa kami nanatiling magkayakap nang biglang sumulpot na naman ang babaeng nakamask kanina.
Oo, sya na naman.

"Wow, Bravo!Bravo! Ano to, KALYESERYE? At kayo ang ALDUB?!Tsk.Ang sweet naman.Pero sorry na lang kayo, dahil parehas ko kayong papatayin!"sabi nito sa amin sabay tutok ng baril pagkaraa'y ngumiti sya ng makahulugan.

"Kung sino ka man...Please lang..TIGILAN niyo na kami!!"sambit ko.

"Oh?.Sorry, girl! Not that fast...Mag eenjoy muna kami.."sabi ng babae sabay humalakhak  na  syang mas nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

"Ano bang kailangan niyo samin?!!!"tanong ko, umaasa na sasagutin niya ito.

"Marami!MARAMING MARAMI! Hindi ko na nga mabilang sa sobrang dami ng kasalanan MO!".ramdam ko sa boses niya ang matinding galit...Na para bang matagal ng nakatago sa puso niya   .

Pero ang pinagtatakahan ko...ay kung bakit ako?

Ni hindi ko nga sya kilala at ang isa pa.. wala kong matandaan na ginawa ko sa kahit na sino...

Maliban lang sa isang tao..
Pero hindi, hindi naman yun mangyayari.

"Ako?? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ki--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang agawain ni Drake ang baril na hawak ng babae.

"Arggh! Get your hands off kung ayaw mong ikaw ang unahin ko!" Sabi ng babaeng nakamask kay Drake.

"Try me."sagot naman ni Drake while giving her a smirked.

Baliw ba sya? Nakuha niya pang mag smirked at magsalita ng ganyan?  Nasa panganib na nga kami .. panu kung totohanin  ng babae yung sinasabi niya ? Ako ang kinakabahan para sa kanya .

Bigla na lamang napahinto at parang nanigas sa kinatatayuan niya ang babaeng nakamask dahilan para tuluyan ng maagaw ni Drake ang baril sa kanya pagkatapos ay itinutok ito sa babae.

"Ngayon... .ikaw.ang wag kumilos kung ayaw mong ikaw ang barilin ko!" Madiin na pagkakasabi ni Drake.

Seryoso ba sya?

Nakaupo lamang ako sa gilid habang kabadong kabadong pinapanood ang mga susunod na mangyayari..

I feel stupid.. All I can do is to watch. How pathetic I am.

Kahit anong gawin ko.. kahit anong sabi ko sa  sarili ko na kailangan kong kumilos at tumulong kay Drake ay baliwala pa rin..
I'm acting like this again and I hate it..

Gulung gulo na ako.. magkahalong kaba, takot, pag aalala.. ang nararamdaman ko ngayon.

"Hindi mo yan kayang gawin , Drake!"

Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ni Drake..

Ibig sabihin ba nun kilala niya si Drake at posibleng kilala din sya ni Drake??

****
Someone's P.O.V
Kailangan kong pigilan ito..
Bago pa mahuli ang lahat

Dapat niyang malaman na.. walang mangyayari kung patuloy lang niyang hahayaang maghari ang galit sa puso niya..

I miss her ....so much.

At para bumalik sya, kailangan palayain niya ang sarili niya..

Pero sana.... sana hindi pa huli ang lahat.

****

Drake's POV

Kapag nilamon ka naman ng inggit..
Hindi mo na makokontrol ang sarili mo.

Pero ano man ang mangyari..
Kailangan ko syang protektahan hanggat kaya ko..
At hanggat nabubuhay ako.

Naiintindihan ko kung bakit niya ito ginagawa .. pero kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo.
Ang mali ay kailanman hindi magiging tama.

"Hindi mo yan kayang gawin , Drake!"
Alam kong pilit lang niyang pinalalakas ang loob niya ..
Pero alam kong alam niya mismo ang kaya kong gawin.

"Mark my words." I said firmly.
Habang ikinasa ko ang hawak kong baril.

***

Chayde's PoV

"Mark my words." He said firmly.

Habang ikinasa ang hawak niyang baril.
"Tsk.Ready your self" sabi muli ni Drake habang handa ng kalabitin ang gantilyo  anumang oras.

Kinakabahan ako.. Talaga babarilin niya ang babae?

"Ganyan mo na ba sya kamahal?! At handa kang pumatay para lang sa kanya..?! " nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ng babae... at kahit si Drake mismo napahinto at nagulat.
Pero ibinalik muli niya ang tingin sa babae habang  blanko muli ang expression ng mga mata niya.

"Mahal kita ,Drake.Alam mo iyon, matagal na ..pero bakit? Bakit kahit anong gawin ko. HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN! Ano bang meron SIYA..para ipagpalit mo ako sa KANYA?!"

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa mga sinabi ng babaeng nasa harapan namin.

Bigla na lamang syang umiyak na syang ikinagulat ko.

"Lahat.. lahat ng meron sya. Alam mo na nung una pa lang sya na ang mahal ko. And it always be her.." sagot naman ni Drake.

Hindi ko na sila maintindihan.
Sino ba ang pinag uusapan nila?
Litong lito na ako!

Bigla na lamang may sumulpot sa likuran ni Drake pagkatapos ay hinamapas sya ng hawak nitong kahoy.

"DRAKE!!" Sigaw ko.

"Alam mo na kung saan at kung anong gagawin sa kanya. Ikaw na ang bahala sa kanya.At ako na ang bahala... sa babaeng to." Sambit niya sa lalaki  pagkatapos ay tumingin ng mariin sa akin.

"Sandali! Saan niyo dadalhin si Drake?! Anong gagawin ninyo sa kan---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko at bigla na lang akong nawalan ng malay matapos maramdamang may kung ano ang ipinukpok sa akin.

*****

Trip to Hell (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon