(Chayde's PoV)
Tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo ni Drake.
Pinilit kong kalimutan muna ang sakit na nararamdaman ko.
Dapat makaalis na kami dito bago pa mahuli ang lahat.
Napatigil kami sa pagtakbo ni Drake ng makarinig kami ng putok ng baril.
*BANGGGG!!*
"SAAN KAYO PUPUNTA!?" napalingon kami parehas ni Drake sa nagsalita.
"M-maam C-celine???" Nasambit ko sa gulat.
Papanong nangya-----
"Yes,I am Ms.Scott! Shocked to see me??" Nakangising sabi niya.
"Papanong-----"
Napatigil ako sa sasabihin ko ng itapat niya sa amin ang hawak niyang baril.
"Ma'am ------"
"Oh shut up, Mang Juls!" Sigaw niya sa kakarating lang na lalaki.
Pati si mang juls??
Ano ba talaga ang nangyayari.Hindi ko na maintindihan to.Totoo ba lahat ng nangyayari??
Nagulat na lang ako ng pagtingin ko sa gilid ko ay wala na si Drake..
San nagpunta yun?Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nasa tabi na sya ni Ms.Celine at nakikipag agawan ng baril dito.
"Drake!!" Sigaw ko.Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Drake.
"Tumakbo ka na, Chayde!!" Sigaw pabalik sa akin ni Drake pero nanatili lang akong nakatayo.
Hindi pupwedeng iwan ko lang sya dito.
"Hindi kita iiwan, Drake!" Sabi ko naman sa kanya.
Napansin kong napatigil sya sa sinabi ko dahilan para tuluyabg maagaw ni Ms.Celine ang baril kay Drake.
Agad namang itinutok ni Ms
Celine ang baril kay Drake pagkatapos ay binaril nito si Drake."Drake!!"
"Arghh...Sh*t!"
Mabuti na lamang at sa balikat lang sya natamaan pero kahit ganun nag aalala pa rin ako sa kalagayan niya.
Lalapit sana ako sa kanya ng may maramdaman akong matigas na bagay sa ulo ko at nakarinig din ako ng pagkasa ng baril.
"Don't you dare make any move, or else I'll blow your head off." Kahit nakatalikod ako, kilalang kilala ko pa rin ang boses na yun.
Ang boses ng tinuring kong kaibigan."D-Daelyn..."
" Yes,I am.My ex-bestfriend!!" Pagkasabi niya nito ay tumawa pa sya bago magsalita ulit.
"...Akala mo ba ganun ganun lang yon?? Tsk.Sorry but-------" Agad akong lumingon at sinipa ang baril na hawak niya kanina.
"B*tch!" --Daelyn.
Sinampal ko agad sya ng napakalakas.
Pagkatapos ay sinundan ko kaagad ng sabunot.
Hindi ko alam kung bakit pero kahit nanghihina na ako ay nagagawa ko pa ring lumaban kay Daelyn.Siguro dahil na din sa galit na nararamdaman ko.
Sa tuwing maaalala ko lang ang mga ginawa niyang pangloloko ni Carlos ay para akong bomba na gusto kong sumabog anytime.Alam kong may nagawa akong pagkakamali...Pero, Matagal ko na yun pinagsisihan.
Pumatong ako sa kanya ng mahiga ito sa pagkakatulak ko at doon ko sya mas pinagsasampal at pinagsasabunutan.
BINABASA MO ANG
Trip to Hell (UNEDITED)
Mystery / ThrillerWELCOME TO HELL Written by: adfinemfidelis