Eight.

34 15 3
                                    

Third person's POV

Nagising si Chayde na nakatali ang mga kamay at mga paa niya.
Habang ramdam pa rin niya ang sakit dala ng paghampas ng kung anong bagay sa ulo niya kanina.

"ah-hh... "daing niya.

'nasaan ba ako?' tanong niya sa sarili.

Inilibot niya ang paningin sa buong silid na kinaroroonan niya ngayon.

Napansin niyang kakaunti lamang
ang gamit sa loob ng silid.. samantalang ang isang bumbilyang nasa kisame na nagbubuga ng kulay pulang ilaw ang syang nagsisilbing liwanag sa silid..

Tanging isang kulay itim na lamesa at dalawang itim na silya na ang isa ay syang kinauupuan niya ngayon ang gamit sa silid.

Napansin rin niya ang mga nakadisplay na bote sa ibabaw ng lamesa.
Napasinghap sya ng mapagtantong... mata ng isang tao ang laman ng boteng iyon.. sinuri rin niya ang ibang mga bote , at tulad kanina ay napasinghap muli sya ng mapansing puro lamang loob ang nasa mga bote..

Lubha siyang nagpanic at hindi na mapakali pa.

Napaluha na lamang sya ng makita ang mga nakasabit sa pader mismo ng silid .. puro ulo mismo ng mga kaklase niya na ang iba'y pansin mong wala ng mga mata at dila..

Dumoble ang kaba at takot na nararamdaman niya.

Kung sino man, ang may kagagawan Nito ay tiyak na wala itong awa at takot sa Diyos.
Hindi rin malabo na ganun din ang mangyari sa kanya.

Ngunit , isinawalang bahala nito ang patungkol doon sa halip, ay mas inalala niya apa si Drake , ang mga kaibigan at ang boyfriend niya.

Nagulat na lamang sya ng makarinig ng isang sigaw.

"Drake?!!"

*******

Manipulator's POV

"Alam kong malapit na...
Malapit na namin makuha ang katarungan sa pagkamatay niya.
At sinisiguro ko .. magbabayad silang lahat." pagkasabi ko noon ay humalakhak ako sa tuwa..

"Madam, susundan niyo na po ba sila??" tanong ng aking katiwala.

Ang katulong ko sa pagkamit ng katarungan.

"Hindi pa.. Masyado pang maaga para magpakita sa kanila.. Hayaan na muna natin silang maglaro.. " pagkatapos ay ngumiti ko..

Ngiti na dapat katakutan ng lahat.

Buhay ng nawala , kaya buhay rin ang dapat na maging kabayaran sa lahat!

******

Third Person's POV

"Drake?!" Alam niyang sa binata mismo ang boses na iyon.. Dahil kahit sa maikling panahon ay halos makabisado na nito ang tinig ng binata.

Piilit niyang mag isip ng paraan para makatakas dito.

Inilibot niya ang paningin sa silid... pagkatapos  ay naisip niya ang itinuro sa eskwelahan nila.

Pinagkiskis niya ang dalawang kamay upang lumuwag ang pagkakatali nito .. Inabot sya ng ilang minuto bago ito tuluyang matanggal.

Maswerte na lamang siya at hindi ganong mahigpit ang ogkakatali sa kanya.
Isinunod naman niyang tanggali ang tali sa paa niya..

Katulad kanina ay natagalan din sya sa pagtanggal dito ..

Nang tuluyan ng matanggal ang pagkakatali sa kamay at paa niya..
Ay pinilit niyang makatayo sa upuang kinalalagyan niya..

Napaupo sya bigla ng mamanhid ang mga binti niya.. ipinahinga niya muna ito panandalian bago subukang tumayo muli..

Ipinagdasal niya muna ang mga kaklaseng pumanaw at humantong sa ganitong sitwasyon.. pagkatapos ay  naglakad na sya palapit sa pinto...

Ngunit laking gulat niya ng may magbukas  pinto.

Ang babaeng naka-coat at naka mask kanina ang  tumambad sa kaniya.

"Saan ka pupunta?!" Tanong nito sa kanya.

"Please... paalisin niyo na kami dito! Prang awa niyo na! At anong ginaw niyo kay Drake?!! Pati mga kaklase ko pinatay niyo! Anong klase kayo? Mga demonyo---"

*Pakk!*

Napatigil sya sa pagsasalita ng sampalin sya ng babae..

"Kung ako ang demonyo, pwes.. matakot ka na..Dahil dadalhin kita sa impyerno!" sigaw nito sa kanya.

"S-sino ka ba talaga?! B-bkit mo ito gin----"

Mas nagulat sya ng tanggalin bigla ng babae ang mask nito.

"Daelyn??!"

*****

A/N:
Wohhh!! Another Update!!!
Thank God ! Tapos na ang exam namin.

*Comment if you want and vote if you like*

Trip to Hell (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon