" The only key for happiness is when you learned to accept the fact and forgive others "
Walang magandang maidudulot ang paghihiganti. Oo, lahat tayo hindi perpekto. Lahat tayo nagkakamali.....at nagkakasala.
Ang dapat lang natin gawin ay humingi ng tawad sa taong nasaktan mo.At dapat, marunong tayong magpatawad,at tanggapin ang katotohan...
**After 4 years..**
Chayde Kel Scott's PoV
Yeah.You're right.
4 years na nakalipas nang mangyari iyon.
Kung saan maraming nadamay , nawala at namatay dahil sa kagustuhang makapaghiganti.
4 na taon na ang lumipas..pero hindi ko pa rin mapapagkakaila na ang byaheng iyon ay nakapagbigay sa akin ng matinding takot.
Takot na baka maulit muli ang pangyayaring iyon.
Nakaligtas ako at si Drake sa byaheng tingin ko ay papuntang impyerno. Byaheng naging dahilan ng kamatayan.
Namatay lahat ng mga kaklase namin.Maraming magulang ang nagulat dahil sa biglaang pagkawala ng mga anak nila at sinisisi nila ito sa principal ng school, si Mr.Lynch.. nagsampa sila ng kaso noon..Pero tumigil na din sila.Hindi ko alam kung pano sila napatigil sa pagsasampa ng kaso.
Samantala, wala na nga sina Daelyn at Carlos. Malaki ang nagawa kong kasalanan kay Daelyn, at sana mapatawad din niya ako. Si Carlos.... sapat na ang paghingi niya ng sorry noon sa akin. Naramdaman ko naman ang sinseridad sa paghingi ng sorry niya sa akin.Sapat na yon. He even sacrifice his life just to stop Daelyn and save me. He maybe fooled and hurt me before but at the end he still choose to sacrifice his life for me.
BINABASA MO ANG
Trip to Hell (UNEDITED)
Mystery / ThrillerWELCOME TO HELL Written by: adfinemfidelis