Esplukar 4

8 1 0
                                    

Kalurks! Anuver! Ang gondoh ko oh! Flower... ang sweet.

Ano ba itong sinasabi ko?!?

"Rom! Kain na!" Sigaw ni kuya na nagbalik sa thinking akiz.

Habang dala ang flower papunta sa dining area, di ko mapilit na di mag smile.

"Kuya... si kuya Rom binigyan ni kuya Renz ng bulaklak." Sabay tawa ni Marcus.

Napatawa lang si kuya Roberto sa akin at hinimas ang buhok ni Marcus habang kumakain ito. Feeling ko nag magenta red ang fez ko habang paupo akiz sa table.

"Mukhang may umiibig. Hehehehehe. " Sagot ni kuya na sinimangutan ko lang.

"Alam. Naman natin na may gusto sa iyo si Renz. " say ni brother dear.

"Uulitin pa ba natin ito kuya? Straight siya. Di kami bagay." Say ko habang pabalik sa pagkain.

"Ok. Kung ganun e d kahit wag mo na lang siya sungitan. Mabait naman kasi siya." Huling sabi nito na di ko na sinagot. Hahaba pa ang usapan.

Kasi straight naman talaga si Renz. Super bait lang talaga siya. Ayoko kasing ma in love sa kanya. Ayokong masaktan ulit. Pagod na akong umasa. Pagod na kasi akong mahalin ang best friend ko.

Kaya ako na ang kusang lumalayo. At kahit siya pa ang lumapit, kusa ko na siyang tinutulak palayo. Di lang niya ramdam. Masakit. Pero ok na itong ganito.

Maka kain na nga at may lakad pa ako mamaya. Habang iniisip si Renz di ko tuloy ma enjoy itong adobong luto ni kuya.

"Masarap ba Rom?" Tanong ni kuya habang kumakain ako.

"Yup. Masarap kuya." Sabi kong nakangiti at may iniisip na guy.

Ang Ganda Mo, Riri!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon