Matapos ang lunch, ako ang naghugas ng pinggan at pinaglutuan. Grabe haggardo versoza ang peg ko after. Kalurks! Pero malinis na ang lahat. Si kuya nag pahinga sa sala. Si Marcus naman naglaro sa kapitbahay. So ang beauty ko, nagpunta sa banyo para maligo.
"... loving youuuuuuu... is easy coz ur beautifullll... making love with youuuuu... is all I wanna doooooooo... la la la la la... la la la la la... la la la la la la la la la la la... do bi du bi duuuuu... ahhhhhhhhhh!" Kanta ko sa banyo habang naliligo.
"Huy! Rom! Ano nangyayari sa iyo jan?" Sigaw ni kuya sa labas ng pinto.
"Char ka talaga kuya! Singing lang akiz ditey!" Sagot ko na iritable ng konti.
Yun na yung moment ng song ko eh. Anuveh!
After maligo at magbihis, bumaba na ako ulit ng bahay. At nagpaalam kay kuya na magmo mall lang ako. Sabi niya umuwi raw ako ng bahay ng maaga aga. Para makapag pahinga ng maayos bago pumasok sa school tomorrow.
"Ok kuya." Answer ko bago sinara ang pinto ng sala.
Sinasara ko na ang gate namin ng may humintong bisikleta sa tabi ko.
"Ri... angkas ka na... hatid na lang kita sa may labasan... may bibilhin din kasi ako dun..." yaya ni Renz sa akin.
Tiningnan ko lang siya. At nakita ang sarili. Mahal ba talaga niya ako. O am I just thinking it?
Tatango na sana ako ng bumusina ang isang karuru sa di kalayuan at pumarada sa pagitan namin ni Renz.
"Riri my labs! Just in time pala ako. Naisip ko na sunduin ka na lang ng mas maaga. Sakay na." Sabi ni fafa Ric.
Siya si fafa Ric aka Ricky. Ang current suitor ko. Sabi ko sa inyo ganda nf lola nyo di ba? Galing sa may kayang pamilya. Gwapo. At... ehem... Dakila! Hehehehehe!
Dali dali akong sumakay sa karuru ni fafa. Pagka sara ng pinto pinaandar niya agad ang sasakyan. Muntik ng mag fly sa windshield ang beauty ko.
Di ko napansin na di na pala ako nakapagpaalam kay Renz. Ng lingunin ko siya sa rear view mirror, nakita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Wala naman siguro yun divah?" Tanong ko sa sarili.
"Wala naman akong ginawang mali di ba?" Isip ko ng tumingin ulit sa mirror para tingnan ang kababata ko na pinatakbo ang bisikleta niya palayo.
BINABASA MO ANG
Ang Ganda Mo, Riri!!!
HumorBektas ang lola mo... Eh umiibig... May present tense... Pero ano ito... Nagbabalik nga ba si... Si past tense! Hala ka jan, Riri!