"Bakit mo ba ginawa yun Renz?" Galit kong tanong sa kanya ng tumayo ako agad.
Tumingin lang siya sa akin. Tulad ng mga tingin niya sa akin dati. Nung bata pa kami. Nung hinalikan niya ako. Oo... siya ang humalik sa akin nung bata pa kami. Hindi ang makire na si Riri ang humalik. Hindi ako.
"Rom... kailan mo ba ako mapapatawad?" Tanong niya sa akin ng bumaba sa kalsada ang tingin niya.
"Di ko ginawa ang mga iniisip mo kahit dati pa. Di ko ginawa yun para sa pustahan... o kahit para sa pera... gusto kita... bakit di mo tanggapin na nagsasabi ako ng totoo?" Patuloy niya habang unti unti akong tumatalikod, eyes ko nagsisimula ng magluha.
"Bakit? Kasi nasaktan ako... nasaktan ako ng mahalin kita dati... ng maisip ko na hindi ako nararapat para sa iyo.. na di tayo bagay... kasi... di pwede na mahalin kita... dahil bading ako... dahil may mahal kang iba... kahit gustuhin kong yakapin ka... pero di ka para sa akin. " sabi ko ng nakatalikod na sa kanya.
"Rom... matagal na kami wala nung naging ex ko... di rin kami nagtagal kasi... kasi ikaw ang gusto ko... kahit dati pa... kung gusto mo, patutunayan ko sa iyo... na mahal kita talaga." Sabi niya ng tumayo siya sa pagkakaupo niya.
Hinawakan niya ako sa may balikat at hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit ang mukha niya sa akin. Sa pagkakatayong iyon, parang nag stop ang time space warp. Ng naramdaman ko ang labi niya sa akin, parang bumalik ang nakaraan. Nung bata pa kami. Nung una niya akong halikan. Nung siya lang ang minahal ko.
"Sorry... pero... ayoko ng itago ang totoo... Rom... Hindi ako si Ric... di ako mayaman... o kahit ganun ka gwapo... pero mahal din kita tulad niya... sana... hayaan mo rin ako manligaw sa iyo..." bulong niya matapos niya akong I-hug ng mahigpit.
Ilang minuto ko nilasap ang init ng yakap ni Renz ng bumitiw siya.
"Hahayaan mo ba ako manligaw?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Ganda Mo, Riri!!!
HumorBektas ang lola mo... Eh umiibig... May present tense... Pero ano ito... Nagbabalik nga ba si... Si past tense! Hala ka jan, Riri!