Esplukar 12

7 0 0
                                    

"... di ko alam, Renz..." sagot ko sa kanya

Gosh! Najijirapan ako.

"Papatunayan ko na ako ay maswerte pag pinili mo ako... gustuhin mo man o hindi... manliligaw ako..." sagot ni Renz habang nakatingin ng matagal sa mga mata ko at hawa ang mga mata ko.

Ganda ng lola mo! Grabe!

Bumitaw ako kay Renz ng namumula ang mukha ko. Bago ako makalayo kay Renz humabol siya.

"Rom..." habol niya sa akin ng hawakan niya ang balikat ko.

Hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Hinawakan ang cheeks ko... at hinalikan ako. Mabagal... mainit... mapagmahal...naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko... naramdaman ko ang pagmamahal ko para kay Renz... na nabuhay ulit... yung innosente kong pagmamahal... bumalik ulit.

"I love you..." sabi niya ng humiwalay siya sa akin.

Tapos tumakbong palayo si Renz. Sa paglingon niya sa akin... kinilig ako... na parang girl na girl!

Pagka pasok ko sa bahay, nakatingin si kuya sa akin na parang... kalurks! Dumiretso ako sa hagdan paakyat ng nagsalita si kuya Rob ng nasa gitna na ako ng stairs.

"Mukhang nakapag desisyon ka na... kung saan ka masaya Rom... suportado kita... at ni Marcus...di dahil kapatid ka namin... kundi dahil... mahal ka namin."

Ng tingnan ko siya di umaalis ang mata niya sa TV na pinapanood niya. Napa iling ako... at napangiti.

Pagka upo ko sa kama ko, inisip ko si Renz ng tumunog ang phone ko. May nag text... si Ric.

<message received>
Riri...
Mahal kita... alam mo yan...
Pero ngayon ko lang nalaman...
May arranged marriage na pinlano sina mama sa akin pag alis namin dito...
Mahal kita... pero mas importante sa akin ang pamilya ko...
Sorry... alam kong di mo ako mapapatawad...
Pero minahal kita... at mahalin pa rin kita...

Sorry... Riri... my labs...

Sender: Ric

Naiyak ako bigla sa nabasa ko. Pero walang galit na nabuo sa puso ko para kay Ric. Inisip niya ang pamilya niya. Di ko siya masisisi. Kung ako ang nasa kalagayan niya. Pipiliin ko rin ang pamilya ko.

Ric...
Di kita makakalimutan...
And don't forget...
Sasama ako sa despedida ha.
Love, Riri.
<message sent>

Pagka send ng message, binaba ko ang fone ko sa kama at lumingon sa may bintana, tanaw ang bahay nina Renz. Si Renz na hahayaan kong bumalik sa buhay ko... si Renz na hahayaan kong malayang mahalin na rin ako... si Renz na mamahalin ko ng lubusan... tulad dati... ang minahal ko na di nawala kahit dati pa.

Pero ngayon... papakita ko na ulit sa kanya ang pagmamahal ko na matagal ko ng tinago. Dahil ngayon ko lang aaminin ulit...

"Mahal ko pa rin si Renz..."

Ang Ganda Mo, Riri!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon