Esplukar 11

6 0 0
                                    

Sa shock ko sa mga nangyayari di ako nakapagsalita. Gulat akong napatitig kay Renz bago ako patakbong umuwi ng bahay. Di nililingon ang pinanggalingan. O ang lalaking nagpakita ng pagkatao niya sa akin kanina.

"O Rom bakit humihingal ka?" Tanong ni kuya Roberto pagkapasok ko ng bahay.

"A... w-wala kuya... may nakita lang ako na ipis sa labas... ewww..." pagsisinungalung ko ng paakyat ako ng hagdan.

Nasulyapan ko si kuya na umiiling iling ng nakangiti. Batuhin ko kaya siya ng silya. Kaasar.

Pagkapasok ko sa kwarto napahiga ako sa kama. Parang umiikot ang paningin ko. Matapos ng mangyari kay fafa Ric sa mall... eto naman ang mangyayari... kay Renz naman.

"Ganun ba talaga ba ako ka ganda?" Nakangiti kong tanong sa sarili.

Parang ang tagal ko itong inasam. Pero... pano si Ric? Parang nagiging complicated ang mga bagay bagay. Pumikit lang ako ng kaunting sandali at nakatulog na pala ako ng tumununog ang fone ko. May tumatawag. Pag tingin ko si fafa Ric.

"Babes... may problema... pinapapunta na ako ni dad sa kanila... sa States... sa loob ng dalawang linggo... doon na raw ako titira... sumama ka na sa akin..." sabi niya.

"Ha?!" Ang natatanging nasabi ko.

"Nasabi ko na kay kuya Roberto... pwede ka naman daw sumunod... kung gusto mo...ano babes... magsasama na tayo..." masayang sabi nito sa kabilang line.

Napako lang ang isip ko sa mga sandaling yun. Ano nga ba ang sasabihin ko? Gusto ko... pero pano na si Renz? Mahal ko sila pareho pero magulo ang lahat.

Kakapatay lang ng linya ng may kumatok za pinto ko. Si kuya.

"Rom... may bisita ka..." sabi nito bago bumaba ng hagdan.

Sa loob ng ang segundo... pumasok si Renz sa kwarto. Nakatingin sa akin.

"Pinagpaalam ka na raw ni Ric... aalis ka na raw ng pinas... iiwan mo na ba talaga ako?" Tanong nito papalapit sa akin.

"Wag kang umalis... please..." paki usap nito ng nakaluhod sa harap ko.

Naguguluhan ako at ngayon ay nasasaktan dahil sa nakikita kong lungkot sa mga mata ni Renz na lumuluha na ngayon. Napaupo din ako sa may lapag yakap siya. Di alam ang isasagot.

Ganito pala talaga ang mundong ginagalawan ko... napaka gulo...

Ang Ganda Mo, Riri!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon