Actually matagal na yun. Tipong nasa 10 years old pa lang kami. Si Renz kasi ay kababata ko since... well... birth siguro. Mabait siya in all fairness. Cutie rin siya kahit dati pa. Pero may pagka quiet shy type siya. Crush ko siya dati. Well kahit hanggang ngayon pa rin naman.
"Good morning..." ulit niyang sinabi ng sumilip ako ulit.
Gosh! Bakit ba di pa siya umalis. Nakaka panghina ang smile niya. Kaazar!
"Kuya... tingnan mo bigay ni kuya Renz sa akin. Isang box ng candy oh." Sagot ni Marcus habang nakatingin sa akin.
"Marcus... wag mo kong tawaging kuya! Gosh! Lakas maka macho! At ikaw naman Renz... bakit mo binigyan ang kapatid ko ng candy? Balak mong sirain ang ngipin nito? Ganda ganda ng smile nito tapos sisirain ng candy mo! Hala pasok na Marcus. Kakain na raw sabi ni kuya." Pasigaw kong isplukar kay shofatid kong nasa 10 years old pa lang.
"Salamat kuya Renz!" Sigaw nito bago pumasok sa bahay.
"Pwede ka na rin mag flylalu!" Sabi ko with matching shoo shoo action.
Biglang sinalo ni Renz and kamay ko mula sa gate na sinasandalan niya. Hinawakan niya ito ng matagal at tumitig sa aking eyes. Even i was caught unaware by that action.
"Riri... bakit ka ba galit sa akin? Eto... para sa iyo" sabi niya at biglang abot ng isang pirasong stargazer sa akin.
After nito, umalis na lang siya ng nakangiti.
"Ermeged! Anu vah!" Sa isip ko.
Matapos ng mga kinalimutan kong mga bagay... babalik itong si Renz at pakikiligin na naman ako.
"Kaazar sa uber to another level!"
BINABASA MO ANG
Ang Ganda Mo, Riri!!!
HumorBektas ang lola mo... Eh umiibig... May present tense... Pero ano ito... Nagbabalik nga ba si... Si past tense! Hala ka jan, Riri!