Kinakabahan ako. Grabesh!
Nasa loob kotse na kami ni Ric sa may parking lot ng nagsalita ako ulit.
"R-ric... a-ano..." nagsalita ako ng sinunggaban niya ako ulit ng halik.
Ang sarap ng mga halik niya. Gosh! Nakaka lasing. Nakaka hilo. Unti unti kong naramdaman ang kamay ni Ric sa may hita ko. Paakyat ng paakyat papunta sa dib dib ko. Papunta sa ilalim ng shirt ko. Ang init ng kamay niya. Habang hinihimas niya ang skin ko sa chest ko. Grabe.
"Ric... wait lang... may mga tao pa... wait lang..." tulak ko sa kanya.
Sumandal ulit si Ric sa driver's seat at ngumiti sa akin. Yung nakakaloka niyang ngiti. Ng biglang nag ring ang fone niya. Sinagot niya ito at ako naman ay tumingin sa may bintana.
"Babes... sorry... change of plans... may emergency sa bahay... sorry talaga." Banggit nito habang pinapaandar ang karuru niya.
Tumango lang ako. Kalurks naman kung sabihin kong di ako nalungkot na di matutuloy. Pero may parte sa akin na nagsabi na ok lang.
"Babes... text na lang kita mamaya ha." Sabi niya tapos halikan niya ako.
Bumaba ako sa kotse niya at papasok na sana ng gate ng napansin ko si Renz naka upo sa may bangketa katapat ng bahay namin. Nilapitan ko siya ng dahan dahan.
"Tumayo ka nga dyan. Ang dirty kaya... ewww..." sabay hila sa kamay niya.
At dahil may pagka isip bata... di siya tumayo. Siya mismo humila sa akin hanggang bumagsak ako sa kanya. Sa pagkakahulog ko napahiga kami pareho sa kalsada. Pero sinalo niya ako. Ako naman... napayakap sa kanya.
Di ako makapag salita. Bumilis tibok ng puso ko sa mga segundong yun. Grabe! Tapos na patingin ako ng mabagal sa kanya. Hanggang magtama ang mga mata namin.
"O...M...G..." sabi ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/56491984-288-k646044.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Ganda Mo, Riri!!!
HumorBektas ang lola mo... Eh umiibig... May present tense... Pero ano ito... Nagbabalik nga ba si... Si past tense! Hala ka jan, Riri!