Chapter 17: Farewell (part 1)

21 6 0
                                    

Playing..
   Sad song by We the Kings

Nakatayo sya sa gilid ng sapa at kumakanta habang hinahangin ang buhok niya. Nakasuot siya ng white dress at naka sandals na may taling nakapalupot na hangang ibaba ng tuhod parang eto ang suot niya sa picture sa bahay niya..

Dahan dahan akong lumapit at tinakpan ang mata niya..

"Late ka nanaman pero buti naabutan mo pa ako" sabi nya.. aalis ba sya??

"San ka pupunta?" Tanong ko

"Malalaman mo rin" sabi nya.

"Iiwan mo ako?" Tanong ko. Di pwede kung kailan sigurado na ako sa feelings ko tsaka sya aalis

Ngumiti lang ang dalaga

"Tara enjoy natin ang gabing ito" sabi nya

"Sorry Ash kung na late ako. Na traffic lang.. wag mo akong iwan!!" Sabay yakap ko sakanya mula sa likod. Umalis sila at nagpunta sa swing

"Late ka. Sana ang dami nating napag usapan" sabi nya

"Galit kaba?" Mukha kasi ehh..

"Hindi no. Tignan mo oh kabilugan ng buwan" masayang sabi niya at tinuro ang buwan..

"Sorry. Oo nga ehh.." lumapit ako sakanya at binigay ang flowers. "Oh para sayo" sabi ko

"Ang ganda naman salamat K" sabi niya at inamoy ito.

"Eto pa teddy bear oh" namilog namam ang mata niya parang bata

"Wow K salamat talaga" sabay yakap niya.

"Ay oo nga pala Ash yung meaning ng pangalan m--" di ko naituloy dahil linagay niya ang kanyang hintuturo sa labi ko

"Wag muna. Mamaya na." Tumango nalang ako. Umupo ulit siya sa swing

"Alam mo ba binago mo ako" sabi ko at sinuwing ko ang duyan "kala ko kung sino kalang madaldal,pasaway at isip bata. Pero as time pass by di ko alam na mahuhulog ako" sabi ko

"Oo nga no, akala ko noon patuloy mo akong susungitan.."

"Masaya ako sa tuwing kasama kita. Napapatawa mo ako" sabi ko

"Wait ihinto mo" hininto ko ang pag swing tumayo siya at pumunta sa may sapa. Sinundan ko sya

"Ash mahal kita sana wag mo akong iwasan" bulong ko sa tenga niya at niyakap ulit siya mula sa likod

"Salamat sa Love K. Mahal din naman kita since the day we met" sabi nya na ikinatuwa ko. Iniharap ko sya sa akin.

"So mahal pala natin ang isat isa. Ash pwede ka bang maging girlfriend ko?" Sabi ko

"K anong meaning ng pangalan ko?" Masayang sabi niya pero bakit parang may lungkot?

"Ahh.. Asher lagi kang nakatawa at naka smile kaya siguro naman ang meaning ng pangalan mo a--- hala bakit ka umiiyak??" Pinunasan ko ang luhang pumatak sakanyang mata

"Wala lang" ngumiti si Asher "Tuloy muna" sabi niya

"Ang name na Asher ay nangangahulugang masaya" sabi ko ,siya naman yumakap saakin at isinandal ang ulo sa balikat ko

"Ezekiel kahit anong magyari wag mo akong kakalimutan ha. Mahal na mahal kita. Lahat ng natutuhan mo mula saakin wag mong kalimutan. Galangin mo ang matatanda. Ngumiti ka at wag ng maging snob" humahagulgol siya ay unti unting nag liliwanag. Anong nang yayari??

"Ash nag liliwanag ka. Ano to?" Tanong ko. Naguguluhan na ako

"K lumayo ka ng onti at malalaman mo" sabi niya. Kumalas ako sa pag kakayakap at lumayo ng onti.

A Little Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon