[a/n: may ginawa akong kaechosan! hahaha
"dialog"
'character's mind'
(translation)
*flashback*
--- change of place ---
[author's note]
sana maget's nyo yan! whahaha. tulong na din sya sa mga nagbabasa gamit ang mobile. Yun lang! thanks for reading! leave comments and vote na din po! ♡]
---------------
Chapter Three- A Human
Celestina's POV
"La la la la. This girl is on FAYEERRRRR!! This girl is on FA--- omigosh!"
narinig kong sabi ng isang babae na kasamahan ko dito. Nais kong makita ang kanyang mukha pero di ko kayang maigalaw ang katawan ko.
Naging tahimik muli ang palagid matapos kong marinig ang isang tunog ng bell na nagsasabing bumukas ang pinto. Malamang ay lumabas na ang babaeng umaawit kanina.
Sa katunayan ay medyo nakakarinig ako ng mga bagay-bagay simula nang maging ganito ako. Di ko alam kung ano na ang naging itsura ko simula nang bigyan ako ng agimat ni aling Felicidad.
'Mannequin' ang tawag nila sa akin ngayon. Di ko alam kung bakit ganun ang tawag nila sa akin. Ano nga ba iyon?
Nakakalungkot sapagkat hindi ko maigalaw ang katawan ko. Normal pa naman ang lahat sa akin. Nakakarinig ako. Nakakakita rin pero di gaanong kalinaw. Ang tanging problema ko nga lang ay hindi ako makagalaw! Ano ba ang ginawa talaga ng agimat na iyon?
Ang daming katanungan ang naiisip ko.
* 'Sa tamang panahon, ikaw ay magiging malaya sa hawak ng kanyang kamay...' *
Mga katagang sinabi ni Aling Felicidad sa akin bago ako naging ganito kaya't sa ngayon ay umaasa ako sa isang hawak.. Ngunit kaninong hawak nga ba ang nararapat para ako ay makalaya? Sa totoo lang ay ang dami ng humahawak sa akin ngunit ako ay ganito pa rin.
'Hayyy. Nakakawala ng pag-asa. Nais ko nang maigalaw muli ang aking mga kamay' sabi ko sa sarili ko.
Narinig king muling tumunog ang pintuan, tanda na may pumasok muli.
"Yes! Ang wais mo talaga, Marc! Whoooo! Ang gwapo ko! Whahaaha" narinig kong sabi ng bagong dating.
Kung naigagalaw ko lamang ang aking katawan ay paniguradong ako ay mapapatalon sa gulat dahil boses babae ang inaasahan kong marinig. Ngunit nagkamali ako dahil ito ay boses lalaki. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang marinig ko ang boses na iyon.
'C-Carlos' sabi ko. Nais kong sumigaw at ibuka ang aking mga bibig ngunit hindi ko magawa.
"Hmmm... Ano naman kaya ang maipagawa sa kanya?
Hahaha! Alam ko na!" narinig kong sabi nya muli.
Lumipas ang ilang sandali ay dumami na ulit ang mga tao.
Marami ang mga lumalapit sa akin at humahawak ng aking damit. Di ko gaano kita ang kanilang mga mukha. Malalabo ang mga ito.
Nakakadismaya man ay puro babae ang lumalapit sa akin...
Alam ko na dapat ay isang hawak ng lalaki-- hawak ni Carlos
Nakita kong papadilim na kaya't pakonti nang pakonti ang mga tao sa lugat na ito. Nakikita ko iyon dahil kitang-kita ko ang papalubog na araw.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)
FantasyCelestina Agatha Jacinta Fernadez have always dreamt that her life could be like a fairy tale-- a perfect fantasy. But how can her dream would be that perfect if she's stuck in a mannequin figure? Was it nothing more than a dream? Or will fate give...