Chapter Six- She's Back

414 15 3
                                    

Celestina's POV

(PS: normal narration in every Celestina's POV po kasi masyadong nakakadugo ng ilong at nakakaboring basahin pag masyadong makaluma ang pananarate nya :D)

Laking tuwa ko nang tanggapin ako ni Carlos bilang kanyang alipin. Ang nakakalungkot lamang ay sa loob lamang ng dalawang buwan? Sa totoo lang ay natatakot ako dahil ibang panahon at pamumuhay na ang nagaganap ngayon... Natatakot ako mag-isa at mas lalo na na mapalayo pa kay Carlos na ngayong nakita ko na ulit siya.

"Uhmmm... Morning. Pakiluto naman ako ng almusal" 

Napalingon ako sa bandang kanan ko. Dun ay nakita ko si Carlos na bagong gising at nagpupungas ng kanyang mga mata. Sa totoo lang ay masasbi kong iba ang dating Carlos na nakilala ko noon sa nakikita ko ngayon. Bakit? Kasi sa dating Carlos na nakita ko ay di ganito kadating at mas lalong hindi ko siya nakita noon na nakasuot ng maikling pang-ibaba na may imahe ng kung anumang pusang kulay abo at dagang kulay...

"That's Tom and Jerry, you know them?" nagulat ako sa sinabi niya na siyang napagpainit magkabila kong pisngi.

"H-ha? Ano?" mautal-utal kong sagot sa kanya habang umiiwas ako ng tingin sa kanya

"Tom and Jerry. Sila yung andito sa boxers ko uh? I thought you liked it. Kanina ka pa kasi nakatingin e. Kilala mo ba sila?" wala akong ideya kung sino sila Tom at Jerry pero alam ko ang ibig nyang iparating...

"Hahaha! You're red as tomato! Parang gusto ko na yata ng kamatis na lang ang maging almu--"

"Ummp! Dyan ka na! Ipagluluto na lamang kita. Ano ba ang iyong nais?" tanong ko sa kanya ng tumayo na ako sa sofa nya at patungo na sa kusina para ipagluto ng kanyang umagahan.

"Talaga bang ganyan ka?" tanong niya sa akin nang makarating na kami sa kusina

"Ang ano ho iyon?" balik tanong ko sa kanya na nakakunot noo.

"Yung pagb-blush mo?"

"H-ha? Ano iyon?"

"Arrgg! Wala pa bang salitang ganun noong panahon ng Espanyol?"

"Hindi kita maintindihan, Carlos"

"Psst. Yung pamumula mo. Ayan oh? Hahaha" sabi niya at sabay hawak ko sa aking pisngi na alam kong mamulamula pa rin dahil dama ko ang pag-iinit nito.

Hinayaan ko na lamang tumawa si Carlos at ako naman ay nagpatuloy na lang sa paghahanda ng kakainin ni Carlos.

Hinanda ko na ang mga lulutuin ko nang bigla kong napansin na tahimik na si Carlos. Lumingon ako sa aking likuran para malaman kung andun pa rin sya at laking gulat ko nang makita kong nakatingin siya sa akin nang masinsinan...

"B-bakit?" kabadong tanong ko sa kanya at na pansin kong tinignan nya ako mula ulo hanggang paa ko...

Hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin ang pagtingin sa kabuuan ko at laking gulat ko ng bigla siyang lumapit. Kaya ako ay napatalon at...

"H-Huwag kang lalapit!" sigaw ko sabay tapat sa kanya ng sandok na kanina ko pa hawak na nagpatigil sa kanya sa paglakad patungo sa akin at biglang...

"Hahaahahaha!" tawa sya nang tawa sa aking ginawa. Yung totoo, eto ba talaga ang gagawin niya maghapon? Ang tumawa na lang ng tumawa?

Nananatili lang ako sa ganoong posisyon na tila espada ang sandok sa kanyang harapan habang sya ay tawa lang nang tawa.

"Yung totoo, Celestine? Tinitignan ko lang naman yang damit mo. Saan mo ba nabili iyan? Tsaka bakit ang haba?" 

Binaba ko ang sandok na kanina pa nakatapat sa kanya. Ang totoo ay binigyan ako noong nakaraang araw ng salapi ni Carlos para makapamili na pangunahing pangangailangan ko sa pang-araw-araw.

"Bakit? Ano ang masama rito sa aking kasuotan? Ayos lamang ito. Di ko nais ang ibang kasuotan doon sapagkat masyado silang maliit at maiiksi para sa akin..."

"Psshh. Okay. Sige, tapusin mo na iyang almusal. Dagdagan mo na rin para sa'yo. May pupuntahan tayo mamaya"

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ko na ang pagsisilbi sa kanya...

Matapos naming kumain ay naghanda na kami para sa pupuntahan namin ni Carlos.

"Uhhmmm. San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang kami nasa kanyang magandang sasakyan.

"Airport" sagot niya sa akin na nakatingin lang sa daanan.

Tumahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng kanyang sasakyan. Napansin kong napakarami na ang nagbago dito sa lugar na kinagisnan ko. Marami na ang nagsisilakihang istraktura ang nakabaligid. Ang daming nagbago. At iyon ay ang aking ikinalulungkot sapagkat natatakot ako.. Paano kaya kung ang Carlos na kasama ko ngayon ay hindi Carlos na minahal ko noon? Paano nangyaring buhay pa rin si Carlos matapos ang isang daan kong pagkakakulong sa isang mannequin? Bakit hindi niya ako matandaan? Ano ang ginawa ng agimat sa kanya? Sa amin?

Nananatili lang ako sa malalim kong pag-iisip nang biglang ihinto ni Carlos sa isang magandang istraktura muli na may paliparan. Bumaba kami at sinundan ko siya kung saan may maraming tao ang nagsisilabasan na may mga tinutulak na malalaking bagahe. Nanatili kaming dalawa ni Carlos sa maluwag na bahagi at may kinuha siyang kung anung hugis parihaba na may mansanas sa likod nito. May ginalaw lamang sya dito at itinapat sa kanyang tainga.

"Hello, Porsya."

Nanlaki ang mata ko sa gulat hindi dahil sa nalaman kong ganoon na pala ang itsura ng pangkasalukyang telepono kundo dahil sa pangalang kanyang binangit. Si Porsya! Siya ang nagkakita sa akin at sya ang nagdala sa akin kay Jeng. At alam kong alam ni Porsya ang lahat ng tungkot sa akin sa agimat! Siya na panigurado ang makakasagot sa lahat ng aking mga katanungan!

At sa pag-iisip ko na tungkol kay Porsya ay di ko mapigilang mapangiti na siyang ikinakunot ng noo ni Carlos habang kausapin pa rin ito sa telepono niya.

"Ahh... Oo... Dito na... Sge... Wait kita... Bye" sabi nya at ibinaba na nya ang kanyang telepono habang nakatingin sa akin na naguguluhan pa ring tingin.

"Bakit ngiting-ngiti ka dyan?" tanong nya at iling lamang ang sagot ko sa kanya.

May nais pa sana siyang sabihin nang biglang nagkagulo ang mga tao sa loob ng airport at pumunta sa isang bahagi nito. Lahat ng mga ito ay tila may hinahabol at marami ay may liwanag na nanggagaling sa isang may bilog na hawak nila (camera).

Tinignan ko si Carlos upang tanungin sana kung ano ang mayroon doon ngunit nagsimula siyang maglakad papunta doon na nakadiretso pa rin ang tingin. Kaya naman siya ay sinundan ko rin upang malaman kung ano ba talaga ang nangyayare kung bakit nagkakagulo ang mga tao. Patuloy pa rin siya sa paglalakad kahit na may nababangga na siyang mga tao kaya ako ay kaunting nahuhuli sa pagsunod sa kanya. Binilisan ko na ang lakad ko at sa wakas ay naabutan ko rin siya. Napakunot ang noo dahil sa diretsong tingin pa rin niya kaya naman sinundan ko kung ano ang tinitignan nya...

At laking gulat ko sa aking nakita...

"Althea..." -Carlos

"Aleta??" -Celestina

Si.. Si Aleta? Buhay rin sya sa panahonh ito? Pero paano?? Nasa malalim akong pag-iisip nang mapansin ko na may tumatawag kay Carlos..

"Kuya Maaaaaaarc!" napalingon ako sa may ari ng boses at hindi nga ako nagkamali. Si Porsya ang tumatawag sa kanya.

Muli ay tinignan ko si Carlos kung narinig nya ang kanyang kapatid ngunit hindi pa rin sya natitininag sa pagtingin kay Aleta. At nang madako ang paningin ko kay Aleta ay nakita kong napatingin rin sya kay Carlos na may gulat sa kanyang mukha at bigla rin naman itong mawala. Nagpatuloy lang ang paglakad ni Aleta sa aming gawi. Tinapunan niya ako ng tingin ngunit bakit parang hindi niya ako makilala?? Hindi kaya tulad din sya ni Carlos??

"Kuya Marc naman! Ano na? Gutom na ko! Naman uh!" paghihimaktol ni Porsya na siyang nagpagising kay Carlos sa pagkakatulala...

At isa lang alam ko ngayon... Alam kong sakit ang nararamdaman ni Carlos sa pagtingin niya kay Aleta... at alam ko rin sa sarili ko, na may kirot din sa aking puso nang makita ko iyon mula kay Carlos...

(to be continued...)

Hope Soberano as Athea Tolentino (present)/Aleta (past) on the side ------->

My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon