Chapter Two- His Touch

478 19 1
                                    

Chapter Two- His Touch

Marc Carlos' POV

Pagkatapos ng sapilitan sakin ni Kuya Jeng na magbantay sa boutique nya ay gumayak na ako, syempre, may mga damit din naman ako dito sa condo nya.

Sumakay kami sa kotse ni Kuya Jeng-Jeng kase yung susi ko, eto lang sa bulsa ko, walang use kase talagang tuyot na yung gas ng kotse ko! Taeng baklita talaga to oh! Badtrip!

"Behave ka lang dun, li'l brother ha?" natatawang sabi ni Kuya Jeng-Jeng sakin!

"Psh -____-" sabi ko na lang sa kanya! Badtrip talaga! Aba naman! Etong CHARM at pagkaHOT GUY ko, magbabantay ng isang boutique ng mga gowns at damit na panay pambabae?

"Hahaha! Yan ang napapala ng paggambala mo sakin kaninang madaling araw! Hahaha" patuloy pa din nyang sabi habang nakatingin sa kalsada

"Whatever"

"Get a life, bro! Kalimutan mo na yang nang-iiwan na babaeng yan na parang bula kung mawala..." iiling-iling pa nyang sabi. Kahit kailan talaga, hindi nya nagugustuhan ang mga naging girlfriends ko.

Nanahimik na lang ako dahil alam kong madami pang dada sa akin to.

"Nandyan naman si Gia!"

Sinamaan ko lang sya ng tingin nang sinabi nya iyon. Kahit kailan talaga!!

"Oopps! What I mean is, nandyan na si Gia! Andito na tayo sa boutique ko!" patuloy na tukso nya sa akin "Osige na sige na, ikaw na bahala sa boutique ko ha? Behave lang, kundi ilalabas ko ang pinakatatago nating sikreto! Hahaha"

O____O yung sikreto namin?

"Hays! Oo na, oo na! Babantayan ko na nga yung boutique mo, wag kang mag-alala!"

"Hahaha! Good! Buti at nagkakaintindihan tayo!"

-_____- eto itsura ko ngayon habang itinutulak-tulak nya ako palabas ng kotse nya.

"Tsupi na! Malelate na akis. Babushhh!" paalam sa akin ni Kuya with flying kiss pa.

Napakamot na lang ako ng ulo ko habang tinitignan kong paalis ang kotse ng Kuya ko.

Wala talaga akong takas pag dating sa ganyang pambablackmail ng baklitang yun.

"Papa Maaaarrcc!!"

Napangiwi ako at humarap sa taong tumatawag sa gwapo kong pangalan..

Isang babae...

Isang babaeng...

Isang babaeng papalapit sa akin, nakangiti nang todo, nakalipstick na sobrang pula, blush-on na sobrang kapal, upod na kilay at may pagkala-laking ribbon sa buhok...

Teka! Di ako bakla ha? Sadyang yan lang ang kapansin-pansin sa kanya!!

"Papa Marc, namiss talaga kita! Sobra!" sabi nya sa akin at bigla akong niyakap at kumawit pa sa may balikat ko. Anliit pa naman netong babaeng to!

"Te-teka! Teka! A-ambigat mo! Ano ba?" sabi ko sa kanya habang pinipilit kong tanggalin ang kapit ng kamay nya sa akin

"Ekkk! Ang gwapo mo talaga!" sabi pa nya..

"A-ano ba? Hindi ako makahinga! Bitiw! Mainit pa oh? Ano ba? Linta ka ba?" grabe! lahat na ng reklamo sinabi ko para mabitawan lang ako.

My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon