*Dedicated po sa kanya. Thank you po sa comment! Eto na po si Porsyaaaaaaa. :">*
Chapter Seven- Porsya Lukresya
Marc Carlos' POV
"Althea..." sabi ko na hindi ko alam kung bulong ba o ano. At parang may narinig pa akong sinabe si Celestina pero hindi ko na pinansin. Basta ang alam ko ay nagulat ako dahil nakita ko ulit ang matagal ko nang gustong makita sa tanang ng buhay ko...
Si Althea! Nakauwi na siya dito sa Pilipinas! Nakakatitig lang ako sa kanya na halos di ko na namalayan ang oras. Basta nakatitig lang ako dahil di pa rin ako makabawi sa aking pagkagulat...
At ang mas ikinagulat ko pa ay napatingin siya sa akin at nakita kong nagulat rin siya pero bigla rin namang nakabawi at ngumiti siya sa akin nagpatuloy na siya sa paglalakad dahil masyado na siyang pinagkakaguluhan ng mga paparazzi na nanadito sa airport...
Nilagpasan na niya ako at di pa rin ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Oo, matagal ko nang gustong makita si Althea pero bakit naman ako naging parang tuod ngayon? Hayy.. Dahil isa lang ang dahilan-- nasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako dahil sa haba ng panahon na iniwan iya ako ay nandito pa rin ang sakit na nararamdaman ko...
"Oooooy! Kuya Marc! Ano ba?! Ano'ng nangyayare sa'yo? Natuod ka na dyan. Matatae ka ba?" nagbalik lang ang isip ko sa huwisyo nang biglan nagsalita-- ayy mali, scratch that, sumigaw at nagmaktol si Porsya sa harapan ko. Tsk. Kahit kailan talaga, lukresya
"Oooy ka rin! Problema mo? Ikaw na sinusundo, ikaw pa may karapatan dyang manigaw ha?! Tsk"
"Sorry naman, Kuya. E kaw naman kasi e, parang shungang ngayon lang nakakita nang artistang pinagkakaguluhan ng mga media dyan..."
"What? Pshh. Tara na nga." Aya ko sa kanya. Masyado ba talagang halata na space-out ako kanina nung nakita ko si Althea? Tskkk.
"W-Wait!" pagpigil sa akin ni Porsya at yumuko na halatang kinakabahan.. Kumunot ang noo sa ginawa nyang iyon.
Naghintay ako ng ilang segundo atsaka bumuntong hininga pero wala pa rin syang sinasabe.
"What, Porsya? Spill it out."
"E-e kasi kuya... M-May kasama kasi ako..."
"Huh? Who?"
"Mommmy!" napatingin si Porsya at lumapit siya para yakapin batang sumigaw kaya naman napatingin na rin ako. Napakunot ang noo ako dahil nilapitan ni Porsya ang batang tumatakbo
"Who's that?" tanong ko kay Porsya na siya namang tumayo at halatang kinakabahan.
"K-Kuya. Si Patrick... A-anak ko" sabi niya sa akin
Nagulat ako sa sinabi ni Porsya. Kaya pala nagtagal siya ng 4 na taon sa Canada para itago 'tong kalukahan niya.
"Where's his dad?" tanung ko sa kanya at halatang ikinagulat niya dahil bigla nyang tinakpan ang tenga ng anak nya.
"Mamu.. I'm already hungry" sabi ng kanyang anak. Tinitigan ko ang kanyang anak at sa features pa lang ng mukha nito ay kilala ko na kung sino ang ama.
"Alam ba ni Ash yan?" tanung ko kay Porsya na siya namang ikinailang nya
"Hayyss. Pwede bang wag ka nang magtanong? Andae mo'ng sinasabe dyan. Bakla ka rin ba tulad ni Kuya Jeng? Kwento mo 'to. Coming soon pa lang yung stories ko! Hala! Tara na at nagugutom na rin ako." mahabang lintya nya na na nakapag-iling ng ulo ko.
Palakad na sana ako nang may naalala ako. Si Celestine. Napalinga ako at nakita ko siyang nakatitig lang kay Porsya na parang... star-strucked? Seriously?! May ano ba kay Porsya? Napakamot na lang ako ng ulo nang dahil sa nakikita ko.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)
FantasyCelestina Agatha Jacinta Fernadez have always dreamt that her life could be like a fairy tale-- a perfect fantasy. But how can her dream would be that perfect if she's stuck in a mannequin figure? Was it nothing more than a dream? Or will fate give...