Chapter Nine- Back To The Future

346 15 7
                                    

[ Just comment below if you want to be dedicated in this story :)) ]

---------------------------------------------------

Chapter Nine- Back To The Future

 Celestina's POV

"Oh? Natulala ka dyan? Selos ka nu? Hahaha" natatawang tukso sa akin ni Porsya. Dun ko lang napansin na natigilan ako nang dahil sa pag-iisip

"U-Uhmm. Porsya... Paano'ng nangyari na.. Di ba, ang hiniling ko ay magkaroon kami ng kasiyahan sa aming dalawa ni Carlos. Hindi ba ito ang tamang panahon na hinahangad ko??" tanong ko sa kanya na siyang ikinakakaba ko..

Nakita kong nanahimik lamang si Porsya na tila ba nag-iisip. At dahil doo'y nakadagdag lamang ito sa aking kaba. Tinignan ko lamang sya ng ilang minuto at hinintay syang magsalita...

"Teka... Ano ulit yung sinabi nung matandang babae sa'yo bago ka maging ganap na mannequin??" tanong sa akin ni Porsya at ako naman ang nag-isip kung ano nga ba mga iyon...

"Paniguradong yun ang mga kundisyon para maging maligaya ka..." patuloy pa rin ako sa pag-iisip kung ano nga ba ang sinabi ni Aling Felicidad...

"Ahhh!" pasigaw ko na siyang ikinagulat naman ni Porsya at bigla na lang niyang inilagay ang hintuturo niya sa kanyang bibig para sabihing wag akong maingay.

"Paumanhin..." mahinang sabi ko sa kanya...

"So, naalala mo na ba?"

"Uhmmm... Sa tamang panahon... Ikaw ay magiging malaya sa hawak ng kanyang kamay..." sabi ko na patuloy pa rin ang pag-iisip kung ano pa nga ba ang iba pang sinabi

"...Tuturuan muling umibig ang pusong kailanma'y di nakalimot... Masasaktan ngunit sa panahong ito'y kayo'y lalaban... Gawin ang nararpat at kaligahan mo'y iyong makakamit... Ilegera un dia un--"

"amor verdadero tendra de maldicion de distancia!!! Hahaha" pagputol na sabi ni Porsya sa akin na siyang ikinagulat ko kasi bigla na lamang siayng pumalakpak at tumawa ng malakas at ang mas lalong ikakunot ng noo ko...

"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"Wala. Alam ko na talaga ang mga sinabi sa'yo nung nagbigay sa'yo ng agimat. Nandoon lang din naman kasi ako sa tabi mo noong ibinalik kita sa nakaraan mo! Hahaha"

"Pero bakit mo pa ako tinanung kung alam mo naman na pala ang mga iyon?"

"Wala lang. Gusto ko lang" kibit-balikat niyang sabi sa akin na ikinailing na lamang ng aking ulo. Kahit kailan talaga, luka-luka siya. Tssk

"So, seryoso na. Yun yunga mga kondisyones sa mga hiniling mong kaligayan chu chu na yan... Nasa sa iyo yan kung gagawin mo"

"Oo naman! Gagawin ko ang aking makakaya para lamang maging maligaya!" lakas loob kong sabi sa kanya..

"E ano ba ibig sabihin ng huling niyang sinabi sa'yo???"

"Uhmmm. Lenggwaheng Espanyol yun"

"Alam ko. Di ako shunga! Alien words to be exact. So, ano nga ba ang ibig sabihin nu'n? Daeng arte pwede rin namang tagalog ang sabihin.." pagmamaktol ni Porsya..

"Hmmm. Sikreto! Hulaan mo! Hahaha" biro ko sa kanya na siya namang ikingiti niya kaya naman ipinalo niya sa akin ang mga unan

"Ikaw ha?! Nahahawa ka na sa kalukahan ko! Sabi mo na! Ano ibig sabihin nu'n?!" patuloy pa rin niyang sabi habang nagpapaluan na kami ng mga unan

My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon