Celestina'sPOV
Hinintay ko si Porsya na dumating sa condo unit ni Carlos. Ang sabi niya ay pupunta raw ulit kami ng mall para maging modernong Celestina na daw ako.
Kanina pa ako hindi mapakali sa kwarto at patuloy akong naglalakad nang pabalik-balik sa malaking salamin. Nakasuot lang ako ng sleeveless na blouse na binili namin ng nakaraan nila at isang mahabang palda na ako mismo ang bumili noong binigyan ako ng pera ni Carlos.
Carlos. Carlos. Si Carlos...
Pinilit kong wag pansinin ang mga imahe nya na kusang pumapasok sa isip ko. Ang kakaibang pagtitig nya sakin kaninang umaga. At ang mga tingin nya nang papalapit ang mukha nya sa akin.
"Waaah! Celestina!" sigaw ko sa sarili ko nang maramdaman ko ang init ng pisngi ko.
Bumuntong hininga ako at pinilit paklmahin ang sarili ko. Bakit nga ba ako kinakabahan? Ahhh... Kasi nakita ko na naman si Aleta o Althea sa kasalukuyan. May namumuong kaba sa dibdib ko dahil na rin siguro sa inggit at selos. Dahil sa kung paano siya tignan ni Carlos na parang nagsasabi na sya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. At ako bilang babae na nanggaling sa panahon ni Kopong-kopong, na sabi nga ni Porsya, ay nakaramdam din ng matinding inggit sa katawan!
Sa sobrang kaba ko ay nilibang ko nalang ang sarili ko. Kinuha ko ang kaha kung nasaan ang kwintas na hugis hyacinth. Napangiti ako nang mapakla. Ito ang bigay sa akin ni Carlos noon. Dito nakuha ang pangalan ko na Jacinta. Ilang beses sinabi ito sa akin ng ina ko noon dahil kasing ganda ko daw ang mga bulaklak na iyon.
"Ayy!" gulat kong reaksyon dahil sa lakas ng doorbell. Nagmadali akong buksan ang pinto dahil sa paulit-ulit na tunog nito.
Niluwa ng pinto ang isang mukhang pagod na pagod na itsura ni Porsya at tila hinihingal pa sya.
"Anong nangyari sa iyo, Porsya?" tanung ko sa kanya pagkaupo nya sasofa.
Hindi sya sumagot at tila hinahabol pa rin ang paghinga.
"Nais mo ba ng isang baso na maiinom?" tanung ko sa kanya na nakapagtawag ng atensyon para ako ay tignan.
"Ayan! Yan ang first lesson ko sayo! Yes. Pakikuha ako ng malamig na malamig na tubig. Icetubig para cool" sabi niya na medyo hirap at pagod
"Okay... First thing firsts, Celestina... Para saan ba at gusto mo nang maginb moderno at makabago, aber? Para ba kay Kuya Carlo?" tanong ni Porsya matapos ko syang bigyan ng inumin
"Hmmmm. Oo"
"Well then, I should go na pala. Ciao!" nagulat ako sa sinabi niya at akmang kukunin na nya ang kanyang bag.
"T-teka lamang. Hindi ko maintindihan. Akala ko ba ay tutulungan mo ako?"
"Alam mo, Celestina, kung sinabi mong gusto mong magbago dahil para sarili mo lang at hindi dahil kay Kuya Carlo..."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Di ba nga't kaya lamang ako nandito ay dahil kay Carlos?
"Hindi ka lang nandito nang dahil kay Kuya, Celest. Maybe you are here for a deeper reason. Your second chance to live"
"Pero eto na ang second chance ko. Ang pangalawang pagkakataon para magmahalan muli kami ni Carlos. Di ba nga't yun ang aking kahilingan?" naguguluhan kong tanung kay Porsya. Ano ang nangyayari sa kanya? Bakit parang may bago sa kanya?
"Celestina, sinubukan mo na bang tignan ang mga tao sa paligid mo? Naisip mo rin ba na baka mga magulang mo, nagreincarnate din tulad ni Carlos? Naisip mo na rin ba kalagayan mo kung sakaling umalis ka na dito sa dalawang buwan na palugit sayo ni Kuya dito? Yung tipong walang-wala ka, wala kang titirhan, pagkain, at kung anu-ano pag nangyari yun?" napayuko ako nang dahil sa sinabi ni Porsya. May punto sya, unang-una pa lang ay hindi ko naiisip ang kalagayan ng mga magulang ko. At pangalawa, ayoko lang isipin pa na mapapaalis ako ni Carlos. Dahil alam ko na ang nag-iisang buwan na lang na natitira ay matutunan na akong mahalin din ni Carlos. Mabilis man o mang-mang man tignan pero naniniwala akong mahal ako ni Carlos, kahit na sabihing ilang dekada na ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)
FantastikCelestina Agatha Jacinta Fernadez have always dreamt that her life could be like a fairy tale-- a perfect fantasy. But how can her dream would be that perfect if she's stuck in a mannequin figure? Was it nothing more than a dream? Or will fate give...