Chapter One- Present Carlos

554 18 3
                                    

 Chapter One- Present Carlos

After 100 years...

Marc Carlos' POV

Hindi ko alam kung paano sisimulan 'tong kwentong na ito. -_-

Paano nga ba magsimula? Paano magsimula kung ang taong pinakamamahal mo ay umalis nang hindi mo nalalaman? Di ko alam kung paano ulit magsisimula. Basta ang nararamdaman ko na lang ngayon ay puro sakit. Kaya andito ulit ako sa bar ni Dominick. Nagpapakalunod sa alak para pampalipas ng oras sa kakaisip sa kanya.

"Seriously, pare? Hindi ba pumuputok yang bituka mo sa kakainom mo? E halos gabi-gabi kang nandito sa bar ko ah?" tanong nya sa akin ng makita nya akong nasa counter at umiinom ng margaritang inorder ko.

"Pshh. Paki mo ba? Hayaan mo na nga lang ako! Parang hindi ka naging ganito noon sa gf mo!" sagot ko sa kanya habang patuloy na iniinom ang isang shot na hawak ko.

"Alam mo naman na wala rin nangyare sa akin nung ginagawa ko yan..." sabi pa nya ulit.

Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi nya. Kailangan ko ito ngayon. Kailangan ko ng alak. Ikaw ba naman iwanan ng isang girlfriend mo nang walang paalam. Malalaman mo na lang na naging supermodel na rin pala sya sa ibang bansa?! Sino ang hindi magagalit at masasaktan sa gagawa nun?

Umorder pa ako ng isa-- hindi. Di ko alam pero. Madami na yata. Mga tatlo pa? Ewan. Nawala sa bilang ko. Lasing na nga siguro ako.

Hanggang sa may naramdaman na lang akong isang kamay na naglakbay sa bewang ko... Kaya napatingin ako kung sino iyon.

Psh. Isang babae lang pala. Nakita ko siyang nakangiti, she's trying to seduce me pero wala akong naramdamang seduce sa ginagawa nya-- trying hard eka nga. Kilabot, yan ang naramdaman ko. Mas lalo akong kinilabutan ng bumulong sya sa may tenga ko...

"I'm free tonight, handsome.." she said with 'trying-hard-husky-and-sexy' tone

Napatawa na lang ako sa ginawa nya pero dahil na rin sa kalasingan ay sumagot na lamang ako sa kanya...

"S-Suree" sabi ko sa kanya kaya naman mas lalong humapit ang kanyang kamay sa aking beywang at isa namang kamay nya ay pumunta sa aking batok para mailapit ang mukha ko sa mukha nya...

Unit-unti ay naglalapit ang mukha namin...

Uhhmm.. May itsura naman 'tong babaeng 'to, pwede na rin siguro...

Nakita kong ipinikit nya ang kanyang mga mata at patuloy pa rin sa paglalapit ng mukha namin sa isa't-isa...

Hanggang sa...

"Waaaaaaaaahhhh! What the fck?! You--" rinig kong sigaw ng babae sa akin.

*PAK*

"You, assh0le! You're so gross! Look what you've done with my dress! Arrrgh!" pasigaw ng babae sa akin.

Tatawa-tawa na lang ako habang tinitignan ko siyang padabog na naglalakad papunta sa wash room. Sorry sa kanya. Hindi ko napigilan ang suka ko kaya nasukahan ko siya sa may gawing dibdib nya na halatang fake! Bute nga sa damit lang e. Muntikan lang sa mukha. Hahaha >:D<

"Hahahahaha." patuloy pa rin ako sa pagtawa nang may narinig akong tumikhim.

"Marc, really? Are you out of your mind? Why did you puked on her dress?" galit na sabi ni Dominick sa akin kaya ako ay tumigil sa pagtawa.

"I didn't mean it, bro!" sabi ko sa kanya habang nagpipigil pa rin ng tawa.

Epic Fail kasi ang mukha ng babae e!

My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon