Chapter Ten- Unexpected

367 24 10
                                    

[a/n: SUPER SORRY SA SUPER LATE UPDATE :)) Sino ang curious sa story ni Porsya? Comment lang kung gusto niyo ng story about sa kanya, may plot na po ako na naisip! I just wanna know kung may susuporta nga ba kayo kay Porsya! Hahaha]

-----------------------------------

Chapter Ten- Unexpected

Celestina's POV

Hating gabi na nang ako ay ihatid nila Jeng-Jeng sa condo ni Carlos. Hindi na sumama pa sa akin sa pag-akyat sa silid ni Carlos sina Porsya at Patrick dahil napagdesisyunan nilang kay Jeng na lang daw muna tumuloy ngayong gabi dahil nakita daw nila sa mall  ang ama ni Patrick na siya namang ikinabahala ni Porsya.

"Kaya mo na bang umakyat, Celest?" tanong ni Porsya sa akin. Halatang malungkot ang mukha ni Porsya. Nagtataka tuloy ako kung ano nga ba ang mayroon sa ama ni Patrick?

Tumango ako bilang sagot sa kanya dahil napagod din ako sa aming pinuntahan

"Mmmkay. Pasensya na talaga, Celest. Alam kong kaya mo 'yan!" pagbibigay lakas loob niya sa akin at ngumiti pero halata pa rin ang lungkot sa ibinigay niyang ngiti sa akin.

"Ayos lamang iyon. Ang laki ko nang abala pa sa inyo" sagot ko sa kanya

"Pssshh! Ano? Magddramahan pa ba tayo dito? Hala sige na! Pasok na doon at ako'y may trabaho pa bukas!" singit sa amin ni Jeng

"Okay. Bye na, Celestina. 10th floor ang unit ni kuya Marc" yun lamang ang sinabi niya at umandar na ang sasakyan ni Jeng.

Napabuntong hininga muna ako bago ako naglakad patungo sa building. Naglakad ako at nginitian ang security guard na ngayo'y halatang hindi ako makilala.

"Ahh, miss. Saan po kayo?" tanong sa akin ni Manong. Napakunot noo ako sa kanya dahil alam kong kilala na niya ako simula noong nakita niya kami ni Carlos na magkasamang lumabas nang nakaraan

"Manong Juan naman! Si Celestina ho ito" nakita ko siyang namilog ang mata at doon ko lang naalala na iba na nga pala ang itsura ko dahil sa ginawang make-over sa akin

"Ayy! Ikaw nga! Hala, pasensya na, Celestina. Hindi lang talaga kita agad nakilala. Aba'y malay ko bang babagay pala sayo ang make-up" hinging patawad niya sa akin na natatawa-tawa pa sabay kamot ng ulo. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Bumagay daw sa akin ang ayos ko. 'Magustuhan naman kaya ni Carlos ito?' tanong ko sa aking sarili at tuluyan na akong nagpaalam kay Manong Juan at lumakad tungo sa may elevator.

Madami na rin naman na akong natutunan na mga bagay-bagay dahil sa pag-oobserba ko sa tuwing kasama ko si Carlos. Huminto na ako sa harap ng elevator at hinitay itong bumukas... Nagtagal pa ako ng mga ilang minuto pa pero bakit hindi pa rin bumubukas? Sa tuwing tumatapat naman kami dito ni Carlos ay lagi naman itong bumubukas agad pero bakit ngayon ay antagal na? Napatingin ako sa paligid at wala na masyadong tao. Nagsimula na akong mag-alala at kabahan. Paano na ako nito?

"Any problem, miss?" tanong ng isang baritonong boses sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

At napalaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang may-ari nu'n. D-Damian... sigaw ko sa aking isip na siya yatang nakapagpatigil sa kinakatayuan ko. Pati rin siya??

"Uhhh? Miss?" ulit nyang tanong sa akin at di pa rin ako natitinag. Tulala pa rin ako at siya namang ikinangiti niya. Umiling na lamang siya at bigla na lamang siyang lumapit sa akin na siyang ikinagulat ko..

My Girlfriend Is A Mannequin (Editing existing chapters; Incomplete; On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon