Chapter 7

233 14 0
                                    


~Eya's POV

Lutang ako ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit. Merong gumugulo sa isip ko pero hindi ko malaman! Argh.

"Ms. Cabello. Ano ba ang topic naten ngayon?"tanong ng Filipino terror teacher ko na gumising sakin sa reyalidad."A-ah.. Ma'am, hindi p-po ba dapat ikaw a-ang nakaka-alam niyan?"Nudaw?? Ano ba sinasabi kooooo?

Bigla akong nakarinig ng mahihinang tawa. Oops? May nasabi ba akong mali?"Tinanong ko sayo iyon para malaman ko kung nakikinig ka ba o hindi."Wow! Ang galing manghula ni Ma'am!

Hindi talaga ako nakikinig kasi kahit anong focus ko sa itunuturo niya, ay hindi mawalawala sa isip ko yung mga sinabi sakin ni Juno kagabi! Tssk. Nakakainis kasi eh! Nakakaintriga siya.

"MS. CABELLO!"

"Yes po mam!?"Napatayo ako sa sigaw niya."LABAS."Ano!!? Hindi pwede!! No! Hindi!"Ma'am, hwag po! Hindi ko na po uulitin! Makikinig napo ako! Hwag niyo lang ako palabasin!"

"Lalabas ka o sasabihin ko to sa punong guro?"

"Sabi ko nga po diba."sabi ko at dire-diretso sa labas pero hinawakan ako ni teacher ko."Ayy~ Sabi ko na nga ba maam eh! Love niyo ako kaya hindi niyo ako palalabasin ~"

"Kunin mo bag mo."

"P-Po?"

"I said get your bag and get out."Ouch. Wala naba talagang second chance? Magpa-Pasko na naman diba? Jusko.

Wala nakong nagawa kundi kunin ang bag ko at lumabas ng classroom. Sa 3 years ko dito, never pakong napalabas ng classroom."Hayst."Nakakahiya yung ginawa ko. Kasi naman eh.

Pero habang naglalakad ako, may nakabanggaan ako."Ouch! What the heck?"Pagkaharap ko, babae siya at kasama si Juno.

"Sorry."

"Sorry? What a bi---mmph!"Tinakpan ni Juno yung bibig niya at sinabi,"Mag-salita ka at hihiwalayan kita ngayon."Biglang tumahimik yung babae. Iba pala talaga epekto ni Juno sa kanila.

Pati rin sa akin."Mauna kana sa kotse."sabi niya at sumunod naman yung babae."Grabe. Napapasunod mo mga babae."

"Syempre. Gwapo kasi."Natawa naman ako at sinabi,"Yabang mo talaga."Napatingin naman siya sakin with a confused look.

"Bakit?"

"Diba dapat may klase ka ngayon?"

"A-ah.. N-napalabas ako ng c-classroom."Nahihiya kong sabi sa kaniya."Wews? Imposible. Never ka pang napapalabas!"

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon