Chapter 15

205 16 3
                                    


Hindi ko na muna po ilalabas si Ynna. Papakita ko name muna kung pano manligaw ang isang Juno Hernandez. Tsaka yung pag-clash nilang dalawa ni Eugene. Mehehe. Magkakaroon muna ng _____ bago ko ilabas si Ynna.

Again, enjoy!

***
Eya's POV:

*Bell rings*

Tumayo ako at may biglang humawak sa kamay ko. “Eya. You've been ignoring me for 2 days already. What the heck is your problem?”

“Wala.”

“Hindi mo ako pinansin ng ilang araw tapos sasabihin mong walang problema? Eya.. Please naman oh.”

“Si Ynna. Si Ynna ang problema ko!”Sabay sukbit ng backpack at lumakad paalis ng classroom. Pero sinusundan pa rin niya ako. “May ginawa nanaman sayo si Ynna? Eya!! Tell me!”Sabay hawak sa kamay para mapatigil ako ng lakad.“Sabihin mo sakin kung bakit ka nagkaganyan.”

“Eya.. Please.”

“I made a promise.”Pag sinabi ko ba sa kaniya yon, matitigil tong gulo? Diba hindi naman? May maitutulong ba to? “Huh? What promise?”

“Weeks before ka umamin.. Pinuntahan niya ako sa bahay. Umuulan non. Kaya pinapasok namin siya. Tapos kinausap niya ako..”Unti-unti namang lumambot yung hawak niya.“Humingi siya ng tulong sakin.”

“Anong klaseng tulong?”

“Gusto niyang tulungan ko siya na magka-ayos kayo..”Halata ang gulat sa mukha niya. “A-ano namang si-sinabi mo?”Yumuko ako.

“P-Pumayag ako..”At dun niya tuluyang binitawan ang kamay ko. “Fck sht. Eya, we need to go.”Sabay hila sakin palabas ng campus papuntang parking lot. “Continue it Eyanna.”Huminga ako ng malalim.

Nilabas ko ang phone ko. “T-Tapos nalaman niyang.. nililigawan mo na ako. Na nagka-aminan na tayo.. H-Hindi ko alam kung p-paano niya nalaman.. Tapos kinagabihan tinext niya ako..”Sabay abot ng phone ko.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Ito na naman ako.. Natatakot. Natatakot ako na baka maagaw ulit siya sakin. “Eyanna..”Sabay yakap sakin. Isinubsob ko yung mukha ko sa damit niya at don umiyak.

Nanatili lang siyang nakayakap sakin at hinahalik-halikan yung ulo ko. Kahit papaano'y nabawasan yung takot ko. “Juno, pano kung kuhanin ka niya? Pano kung agawin ka niya sakin? Juno.. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag mangyari yon..”Mas lalo akong napaiyak nang iniisip ko iyon.

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon