Chapter 13

274 14 0
                                    


Wala ng speech. Lol

Eyanna's POV:

Pagkagising ko may naramdaman akong kumirot.. Ay. Naalala ko pala. Binuhusan ako ng asido ng tatlong babae sa CR.

“O.. Eya. Gising ka na pala.. May masakit ba sayo?”Si Juno? Pano siya nakapunta dito? “Juno? A-anong..”

“Nakita kita sa CR..”Napa-oo nalang ako.“Salamat..”Napansin kong medyo gulo-gulo ang buhok niya tapos parang bagong gising lang.. Nakatulog siguro to.“Si tatay Juno? Teka.. Kailangan ko nang makalabas. Wala akong pambayad ng--” Gastos nanaman.

“Eyanna, relax.. Kami na ni mama ang nag-bayad..”

“Juno masyado nang marami yung mga nagawa niyo samin.. Ayoko--” bigla niya namang tinakpan ang bibig ko.“Nabayaran na okay? Hwag nang mangulit.”Nakangiti niyang sambit.

“Anak?”Bigla namang pumasok si tatay.“Tay..”

“Anak, okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin?”Kitang-kita ko ang pag-alala niya. Si tatay talaga..

“Okay lang ho ako tay.. Kayo po ba?”

“Hwag mo na akong alalahanin.. Basta mag-pahinga ka lang okay?”Tumango ako.“Juno.. Salamat nak.”

“Wala po iyon..”

“Juno, pwede ba kitang makausap sa labas?”Um-oo naman si Juno.. At ano naman ang paguusapan nila?“Nak diyan ka muna ah.. Kakausapin ko lang si Juno.”Sabi ni tatay sakin at lumabas.

Juno's POV:

“Juno, hijo.. Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa anak ko at sa amin.. Salamat at napaka-bait niyo sakin.. Hwag kayong mag-alala.. Babayaran ko rin ang lahat..”

“Ay nako po Tito.. Hwag na ho. Hindi na ho kailangan.. Kahit si Eyanna nalang po.”OH SHIT. I'M SO DEAD! “Ano?”

“A-ah ang ibig ko pong sabihin ay yung magtagal lang ang friendship namin ng anak ninyo ay okay na po sa akin..”I was close! Pakshet ka Juno!“Ah.. Okay. Mabuti naman.”

“Salamat uli ah?”

“Wala ho iyon.”At pumasok na kami sa loob.

 Ang Bestfriend kong PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon